33

410 64 6
                                    




Kinabukasan ay ganado akong nagising kahit na ramdam ko ang kirot sa ibabang parte ng katawan ko. Pasado alas tres na ng madaling araw ng bumalik ako sa kwarto namin at buti na lang mahimbing na ang pahinga ng mga kasama ko sa kwarto.


"Ela anong oras kang umuwi kagabi?" tanong ni Angel bago sumubo ng pagkain.


"Ah...late na masyado eh. Nagpahangin pa kasi ako sa labas, alam mo na lakad-lakas sa may gilid ng dagat." sagot ko at tumango naman ito sa'kin.


Nasamid naman si Louisse kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin.


Inabutan siya ng tubig ni Bryan at nakita ko naman ang matiim na tingin ni Avo sa kanila. Nagseselos ba siya? Nasaktan naman ako ng dahil sa inisip kong 'yon. Kapag nagkataon na nagseselos nga ito sa dalawa ay marahil may nararamdaman pa talaga ito kay Louisse at para naman akong sinaksak sa dibdib ng dahil 'don.


"Ah..oo nga pala guys magikot-ikot naman tayo sa buong El Pascador tapos mamili na din tayo ng mga souvenirs." masayang yaya ni Angel na sinang-ayunan naman ng lahat.


Habang naglalakad pabalik sa room namin ay hinawakan ni Chris ang braso ko, tinignan ko naman siya ng nagtataka.


"Late din pumasok si Bryan sa hotel room namin kagabi, huwag mong sabihin na kayo ang magkasama buong gami?" mas lalong kumunot ang noo ko.


Umiling ako sa kanya.


"Hindi kami magkasama kagabi."


Mas lalong naging seryoso ang mukha niya. 


"Imposible, alangan namang si Avo at Bryan ang magkasama kagabi." tinaas ko ang dalawang kilay ko hudyat na naghihintay ako ng kasunod na sasabihin niya. "Umaga na kasi nakauwi si Avo pero sigurado naman ako na si Louisse ang kasama 'non." bigla akong dinaluyan ng kaba.


Sa kanilang lahat talaga ay si Chris ang magaling sa ganitong bagay, napagtatagpi-tagpi niya ang mga eksena kaya naman kinakabahan ako na baka malaman niyang si Avo ang kasama ko. 


"Di bale na lang Mika este Ela pala." he corrected himself.


"Actually, Mika will do." I answered before heading my way to our room.


Napansin kong natigilan pa ito saglit bago sumunod ng paglalakad sa'min


Kung late ding umuwi si Bryan sino naman ang pwedeng kasama niya? Then a scene suddenly popped out on my mind. Nasamid kanina si Louisse ng magtanong sa'kin si Angel tapos inabutan siya ng tubig ni Bryan, posible kayang silang dalawa ang magkasama? I shook my head, nagiging kagaya na 'ko ni Chris at sa nakikita ko mababaw na rason ang mga 'yon.


Tulad ng napagusapan ay nagikot-ikot kami sa buong El Pescador. Tunay ngang kamangha-mangha ang lugar na ito.  Ang mga taong naninirahan at maging namamasyal dito ay madaling makapalagayan ng loob.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now