8

410 100 8
                                    




After the incident ay malalaking hakbang ang ginawa ni Avo para makarating sa clinic habang kasunod namin si coach na bagama't ay tahimik alam kong nagaalala ito.


As we enter the clinic ay agad akong inihiga ni Avo sa kama at mabilis din akong nilapitan ng nurse agad niyang chineck ang right ankle ko na hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang kirot.


Ilang saglit lang ang lumipas ay mukhang tapos na ang test na ginawa nila sa ankle ko.


"For now, nothing serious about her sprained right ankle. But if she'll continue doing heavy training, I doubt it kung makakayanan ba niya. So, I suggest she'll take a rest for atleast a week para siguradong magiging okay siya."


"A week? excuse me are you kidding me?" hindi makapaniwalang tanong ko. "We have a game this coming saturday. We only have four days to prepare, then you'll tell me to rest atleast a week?"


Tinignan lang ako nito at bumalik ang paningin kay coach na ngayon ay may nangangambang mukha. Si Avo naman ay tahimik lang na nakaupo pero mukhang nakikinig din sa usapan namin.


"Hindi ba talaga makakaya kung ipapahinga niya na lang ng kahit apat na araw, kahit na sa mismong game na siya maglaro?" tanong ni coach dito.


"Pwede naman but if ayaw niyong magbreakdown siya, avoid activities that may cause pain, swelling or discomfort muna. She also needs to use an ice pack or ice slash bath later para maiwasan ang pamamaga and of course, compression to stop swelling. She can use elastic bandage until she can feel better."


Nakahinga ako kahit paano sa naging tugon nito pero ganon pa man ay hindi ko gusto ang magpahinga ng ilang araw, ayokong mawala sa kondisyon ang katawan ko.


Mariin akong pumikit. No, hindi pwede ito kailangan ako ng team, kailangan naming manalo kaya kailangan maayos ang kondisyon ko sa sabado.


May ilan pang paalala ang nurse pero nanatili akong nakapikit para maiwasan ang magoverthink pa. Sa ngayon hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, maraming bagay ang naglalaro sa utak ko.


Naramdaman ko na lang na iniwan na kami ng nurse kaya naman nagmulat na ako ng mata.


"You can now go home Mika. Take a rest because you really need it." sabi ni coach sakin at mababaksan pa din ng pagaalala ang boses nito.


"Coach what ever happens I'm still going to play for the game one of the semifinals okay?"


Agad naman itong tumango at ngumiti bago ako nilapitan at hinawakan ang aking dalawang kamay.


"The team needs you so much Mika that's why you need to take care of yourself before saturday dapat okay na ang ankle mo dahil kung hindi, kahit ayaw ko kailangan kitang tanggalin muna sa starting six and I hope you'll understand me kasi ayoko lang na lumala pa yan."

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now