10

1.8K 41 6
                                    

"Ano bang problema mo?!"



Andito na kami sa labas ng bahay. Napagdesisyunan ko na dito na lang kami sa labas mag-usap. Ayokong marinig nila Mama ang away namin, kailangan din ni Papa na magpahinga.



"I'm sorry Cali." hinawakan niya ang kamay ko at agad naman akong pumalag.



"You weren't answering my calls or texts. Kaya naisip ko kapag pumunta ako dito. Baka ma-convince sila na patawarin ako." Alvin explained.



"So you think ico-convince pa nila ako? After what you did? Hindi sila tanga! Hindi ako tanga!" I said at hinampas siya sa dibdib.



"I'm really sorry Cali." his voice become soft at niyakap ako.



Pilit akong kumakawala sa yakap pero lalo niyang hinigpitan.



"Alvin, tigilan mo na ako!"



Nagulat na lang ako nang may humawi sa'kin at pagsulyap ko kay Alvin nakahiga na siya sa sahig.



"Oh my gosh!" sigaw ko naman dahil sa gulat. Mavrick came at siya ang nagtapon ng suntok kay Alvin.



"Get a life dude! Ayaw na nga niya pinipilit mo pa rin sarili mo?" ambang susuntukin ulit ni Mavrick pero pinigilan ko siya.



Ramdam ko yung panginginig niya. Grabe ganito ba siya magalit? Nakakatakot naman.



"Alvin, tama na please. Umuwi ka na." I said. Unti-unti din namang bumangon si Alvin habang hawak ang gilid ng labi niyang dumudugo.



"Siya ba Cali? Kaya ayaw mo nang makipagbalikan sa'kin. Siya ba?" Alvin asked at mukhang pinipigilan ang sarili.



"Kung oo ano naman sa'yo? You're done right?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Mavrick. Kasabay din nito ang pag-sulyap niya sa'kin.



"Alvin, huwag mong baliktaran. Ikaw ang nanloko. Kaya umuwi ka na, tapos na tayo." taas noo kong sabi.

Hindi naman sa dahil tingin ko cool ang ginawa ko. This is about how I started my first step in moving forward with my life. Tapos na ang kabanata naming dalawa, and that is my choice.



"Cali" Alvin said at akmang lalapitan ako. Marahan naman akong tinulak ni Mavrick sa likod niya.



Tinignan ni Alvin si Mavrick. Matagal silang nagtitigan bago unti-unting umalis si Alvin at sumakay sa kotse niya.



Buti naman, akala ko nagka-inlovean na sila sa sobrang tagal nilang magtitigan. Mamaya sa huli ako pa ang talo dito. Chos.



"Dad wanted me to give you this." kasabay ng pag-abot ng keychain na may pangalan ko at paper bag na may lamang mga ube jam.



"Galing siyang Baguio. Business meeting." he said ng nakita ang pagkataka ko kung saan galing ang ube jam.



"Nako, nag-abala pa siya. Pasabi thank you ah." I smiled.



"Tara pasok ka?" aya ko sa kanya.



"Aren't you going back to your condo?" he casually asked at sumabay sa'kin sa pagpasok ng bahay.



"Yeah later. Gusto ni Mama na mag-dinner muna ako dito."



"Oh Mavrick, what brings you here?" Mom asked at mukhang kakagaling lang sa itaas. Pinagpahinga na niya siguro si Papa.



Choice of an HeirWhere stories live. Discover now