31

1.6K 34 0
                                    

"Hoy! Ano ine-emote emote mo dyan? Sumakay ka na nga!"

Lumabas ako ng coffee shop na parang gripo ang mga mata dahil sa hindi matigil na pagtulo ng mga luha.

At gaya ng ibang mga storya, mayroon tayong isang hero sa buhay natin. Masasabi kong sa panahon na 'to, si Nisha 'yon. Nagkataon na nadaraanan niya ang coffee shop pauwi, kaya nakasalubong niya ako na ganun ang estado ng mukha ko.

"Oh tubig." Ipinasa niya sa'kin ang isang bottled water na nakalagay sa tray ng kotse niya.

"Thanks."

"Umm..Ano kumusta?" Dinig ko kung gaano siya ka-hesitant na tanungin sa'kin yun.

"Hindi ko alam.." sabi ko at napatingin na lang sa bintana ng sasakyan niya.

"Naiintindihan kita. Andito lang ako kapag handa ka nang mag-kuwento. Hindi lang dapat kinikimkim 'yan. Ready akong makinig anytime." She said and squeezed my hand.

I took that as an opportunity para ilabas yung bigat ng nararamdaman ko.

"Nakakapagod din palang magtiwala 'no? Lalo na kapag binigay mo lahat, pinaniwalaan mo lahat, tapos wala lang pala iyon?"

Natahimik si Nisha, at ganun din ako. Ngayon andito na kami sa terrace ko at ninanamnam ang city lights.

"Grabe kung makita mo lang gaano siya kasaya kanina. Yung mga ngiting 'yon? Ang tagal tagal kong hindi nakita. Ibang babae lang pala ang makapagpapabalik ng mga ngiting iyon. Nakakalungkot lang kasi hindi na ako 'yon." Pagpapatuloy ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha na tumakas nanaman sa mga mata ko.

Bigla na lang akong niyakap ni Nisha. I hugged her back.

"Susuportahan kita sa kahit anong gusto mo. Sasamahan kita, Cali." She said while caressing my hair.

"I know. Sobrang thankful ako sa'yo." I replied at natawa na lang kami pareho dahil pati siya naiyak na rin.

"Ine-emote mo dyan?" I mocked her.

"Huwag ka kasi umiyak, naiiyak din ako e! Magpahinga ka na nga, uuwi na din ako."

Napagdesisyunan ko munang 'wag pansinin ang mga text o tawag ni Mavrick, tsaka na lang kapag handa na ako. Naging ganun ang routine ko, pumapasok ako ng duty na parang walang problema. Naga-assist sa mga residents, nagch-check ng vitals ng patients at mga laboratory result.

"Dra. De Vera?" tawag ni Jeremy.

"Yes, Dr. Romualdo?"

Tinuro niya ang baso ko na may umaapaw ng tubig. Kanina pa pala ako dito sa water dispenser namin.

"Oh my gosh!" Dali-dali ako pumunta sa maintenance room para manghiram ng mop. Tinanong pa nung kuya kung nasaan daw ba at siya na ang maglilinis pero sabi ko huwag na dahil kaya ko naman at ako ang may kasalanan nun.

"Okay ka lang ba?" Jeremy asked nang makapasok na 'ko ulit sa lounge namin.

"Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Pansin ko lately parang lagi kang tulala."

"Pagod lang." I smiled to assure him. Nagsimula na rin akong mag-mop.

Choice of an HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon