27

1.4K 31 0
                                    

"Ano nang balak mo?"



Andito ngayon si Nisha sa condo at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari noong isang araw.



"Ewan..Hindi ko alam, sa totoo lang."



"Nag-message na ba sa'yo?" Tanong niya.



"Not yet." I said habang sumilip ulit sa phone ko.



"Ngayon na ang uwi nila diba? Baka nasa flight na iyon. Ayaw mo ba sunduin sa airport?"



I know his flight details dahil sinabi niya sa'kin. I could also get my sources from Dad kahit last minute siya nagpa-change ng schedule.



"Huwag na siguro, bes. Baka mas lalo pang lumala ang problema."



Ayaw sabihin ni Papa sa'kin kung ano ang problema. Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa kagustuhan ni Tito Julius.




"May iba pa bang problema bukod sa pagtutol ni Tito Mikael, kahit dati okay lang naman siya sa inyo?" Baling ni Nisha sa'kin habang nagi-indian seat sa sofa.



"Hindi lang si Papa ang tutol. Lahat sila, Nisha."



"Lahat as in?.." Nisha looks so confused.



"Even Mavrick's fanily." I said at napahawak siya sa bibig niya dahil sa gulat.




Nakinig si Nisha sa'kin habang ikinukwento ko ang nangyari noong nag-dinner kami ng mga Sia.



"Listen, Cali. Wala ako sa posisyon mo ngayon but I really know that it's hard. You trust him, right?" She asked. I nodded.



"He'll fix this I'm sure of that. Nakikita ko kung paano ka niya pahalagahan. Hinding-hindi nun hahayaan na mahirapan ka. Andito lang ako.." Nisha hugged me and I hugged her back.



Nagtitiwala ako kay Mavrick na maayos niya ito. Ngunit hindi ko hahayaan na siya lang ang kikilos, kinakailangan ko ring tumaya dahil kaming dalawa ito.



"Kumusta naman kayo ni Kaleb?" I asked while we're preparing our study materials.



"Going strong." Nisha said and tucked her hair sa tenga niya.



"Sana all."



We spent the whole afternoon reading our transes.



"Cali, magkikita pa kami ni Kaleb." She said and looked at her wrist watch.



"Ganun ba? Okay, sige." I said and helped her fix her things.



"Bye!" She said at nakipag-beso sa'kin.




Nanood muna ako ng movie sa living area. Good thing I bought a popcorn sa grocery kaya makakain ko siya.



It's already midnight at wala pa ring tawag o kahit text man lang kay Mavrick. I decided to call him pero nagr-ring lang at hindi niya sinasagot.



It was a normal day at school. Muntik pa ako ma-late kanina dahil naging abala ako sa pago-organize ng schedule and topics to review ko.



"Magi-interview ba sila for clerkship?" Nicole asked me. Sabay-sabay kaming naglalakad sa hallway ng mga thesismates ko.



"Yeah like a job interview right?" I said.



"They'll start next month ata." Kat said.



"Girls, I'll go ahead. Bye!" Jeremy waved his hand at tumakbo na palayo sa'min.


Choice of an HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon