29

1.5K 31 0
                                    

"Here's the laboratory result, Doc."

I was in-charge of examining the patients for their laboratory test before heading for surgery. Ibinibigay ko kay Dr. Romualdo ang tests, siya ang Chief Surgeon ng Surgery Department.

"Thanks, Ciara. You may check on other patients' vitals. Ako na muna ang bahala dito." He turned to me.

"Okay po, Doc." I smiled.

"Nurse Cha." I overhead him calling Nurse Cha. Siguro para i-assist siya sa pag-examine pa ng patient.

Pumunta na ulit ako sa ward para i-monitor ang mga vitals ng patients doon.

Mabuti na lang post duty ako ngayon. From 7am 'til 12 noon lang ako. I messaged Mavrick na mag lunch kami together, pambawi lang.

Nagpa-reserve ako sa isang restaurant. Nang matapos na ang duty ko, dali-dali akong nagpalit at lumabas na ng hospital. I didn't even bother to put on make-up kasi baka mamaya andun na si Mavrick.

Bigla na lang may bumusina na sasakyan. Napatalon ako sa gulat nang makita si Mavrick na nakahilig sa pintuan ng sasakyan niya at mukhang may hinihintay.

"Hey." I smiled. Oh gosh, nakakahiya. Hindi man lang ako nakapag-ayos while Mavrick's looking like he can get anyone without even saying anything. This is unfair.

"Let's go?" Pag-aya niya. I nodded at pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka siya umikot para pumunta na sa driver's seat.

Habang bumibyahe kami patungo sa restaurant ay nag-ayos ako sa loob ng kotse niya. Napansin kong patingin-tingin siya sa'kin.

"Lovey, naiilang ako." I pouted. Bakit kailangan niya pa akong tignan? Baka magsisi siya sa'kin niyan e.

He let out a small laugh. "I just missed you."

I could feel that my cheeks turned red. This man never failed to make my heart flutter. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa mga banat niyang ganiyan.

"Di naman obvious 'no? Kung gusto mo itabi mo muna ang sasakyan mo para mas matignan mo ako ng mabuti." Pang-aasar ko.

"Can I?" He played with his eyebrows while looking at the road.

"No! You silly." We both laughed.

Nakarating na kami sa restaurant at hinihintay na lang ang order namin. The ambiance is nice. May classic music na tumutugtog at maaliwalas din ang lugar.

"So how's work?" I asked.

"I still have a lot to learn. Nasa adjustment stage pa ako e."

"That's okay, everyone experienced that. I know that you'll do great." I smiled at him, ganun din siya.

"Nakakapag-aral ka pa ba para sa boards mo?" He asked.

"Nagsisimula na. Kaya baka mas maging busy pa ako, love."

"If I tell you to give me more time, I'll seem obsessed and clingy. If I let you do as you please, I'll worry about you actually not having time for me."

Sobrang nahihirapan ako sa set-up namin. Honestly, if he wants to end it I would totally understand. Kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya, which I couldn't do.

Choice of an HeirWhere stories live. Discover now