36

1.7K 34 0
                                    

"Tigilan mo nga ako."

Marahan ko siyang itinulak dahil unti-unti na siyang lumalapit sa'kin. Bumalik naman ako agad sa upuan at iniwan na siya doon.

"Saan ka galing?" tanong ni Harvey.

"CR lang."

"Dra. De Vera, here's Marissa Villanueva anak ni Mayor Villanueva." Dra. Apolinar introduced us to each other. Siya yung babaeng kumausap kay Mavrick.

"Nice to meet you." I accepted her hand.

Napansin kong nakabalik na rin si Mavrick. Tahimik siyang naupo at agad naman siya kinausap ni Marissa. Itinuon ko na lang ang atensyon sa banda na nagpapatugtog.

Maya-maya dumating ang waiter at may dala-dalang desserts. Binigay niya ang mga kutsarita kay Mavrick dahil malapit ito sa kanya.

"Hatid mo 'ko mamaya ah." bulong ni Harvey. Ngumiti lang ako at tumango.

Isang ingay ang bumulabog sa'min nang ipatong ni Mavrick ang kutsarita ni Harvey sa isang marahas na paraan. Napatingin kami sa kanya.

"Sorry, my hands just did that." sabi niya sa isang mapang-asar na tono. Napabuntong hininga naman ako. Ano ba hanap nito away?

Mabuti na lang at hinayaan lang siya ni Harvey. Hindi ko sigurado kung nakakahalata na siya o ano.

"I gotta go." Paalam niya pagkatapos namin kumain. Tumango ako at tumayo na kami.

"Call me if there's any problem. Don't forget to rest. Okay?" Hinarap niya muna ako bago buksan pintuan ng sasakyan niya.

"I will, you too. Ingat sa pagd-drive."

Harvey is sweet and thoughtful. Hindi ako tanga, alam kong nagpaparamdam na siya. But there's something in me that doesn't want to entertain that. Ayaw kong makasakit ng ibang tao, kasi kahit ako mayroon pa ring bahid ng hinanakit sa puso.

Kumaway ako sa kanya habang umaatras na yung sasakyan. Hinintay ko na lang hanggang sa mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko.

Bumalik na ako sa table namin only to find out Mavrick flirting with Marissa. Nagbubulungan sila at nagtatawanan. I wonder if Julia's okay with this.

"Huy. Ano?" tanong ni Nisha. Kanina ko pa ata sila pinagmamasdan.

"What's up?" Lingon ko kay Nisha.

"Mauna na tayo, pagod na ako." aya niya sa'kin. Nagpaalam na kami at nauna na sa hotel.

I did my night care routine and changed into my pajamas. Pinulupot ko ng kumot ang sarili at pumikit na.

Napagdesisyunan ko na mag-jogging muna ngayon umaga. Sariwa ang kasi ang hangin, hindi naman ganito sa Manila. Buti na lang may dala akong workout clothes.

Nagsuot ako ng black sports bra at black leggings, pinatungan ko na lang ito ng white wind breaker at izinipper hanggang sa matakpan ang tyan ko. Isang itim na running shoes ang napagdesisyunan ko suotin, ito lang din naman ang dala ko.

Nilagay ko na sa tenga ang earpods ko, nagpatugtog ng music at nagsimula ng mag-jogging. Dinadamdam ko ang simoy ng hangin at ang view. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng matatayog ng puno at mga bundok.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa magkabilang balikat ko at ihinila ako.

"What the hell?!"

"Muntik ka ng mabangga." sabi niya sabay turo sa habal-habal na kadaraan lang.

What a great morning. Siya pa talaga ang bumungad sa'kin.

Choice of an HeirHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin