Special Chapter

1.6K 44 13
                                    

"Mag-breakfast ka muna, love," ani sa'kin ni Mav. Ganito na lang kami palagi tuwing umaga, nagmamadali akong pumasok sa trabaho at siya naman ang nagluluto ng pagkain namin.




"Coffee na lang ako, love. I'm sorry may emergency."




"Ihahatid na kita," kukuhanin na sana niya ang susi ng sasakyan niya nang pigilan ko siya.



"Huwag na, mahal. Baka ma-late ka sa meeting mo. See you later." Hinalikan ko siya sa pisngi at kumaripas na ng takbo paalis sa condo namin.



Napagdesisyunan naming magsama para mas mapadali ang pag-prepare sa kasal at makapag-ipon para sa bahay na ipapatayo namin kapag naikasal na kami.



"How did you repair it that fast?" tanong sa'kin ni Dra. Villanueva. Siya ang resident na tinuturuan ko ngayon at ako naman ang attending niya.



"Well, it was luck more than anything else. He could've gone into pulmonary edema," I replied. Patuloy lang kaming naglalakad papunta sa rounds na gagawin ko, matapos kong gawin ang isang surgery.



"It wasn't luck, Dra. De Vera. You were in the zone," hindi pa rin siya makapaniwala.





"Hey. How's the surgery?" tanong sa'min ni Harvey nang magkasalubong kami.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"It went well, Dr. Agustin."




Nilingon ko si Dra. Villanueva. "I'll see you in the pit." Naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Kung kinakailangang malaman ni Harvey ang details tungkol sa surgery, si Aira na ang bahala doon.




Ilang oras matapos ang rounds ko para sa post surgery ng iilang pasyente ay lunch break ko na. Saktong namang kinatok ako ni Nisha para sabay na raw kaming mag-lunch.




"I saw Mav downstairs, infairness consistent," sabi ni Nisha. Ningitian ko lang siya habang inaayos ang mga gamit ko bago bumaba.



"How 'bout Kaleb?" tanong ko sa kanya. "Sanayan na lang," tipid niyang sagot sa'kin. May tinatago ba 'to? Nag-away ba sila?



Kumaway si Mav sa'kin na mahagip siya ng mata ko. Ngumiti ako at lumapit na sa kanya.



"Hello, my love," hinalikan niya ako sa noo ko. "I brought you food. Ako nagluto niyan."




"Grabe ka naman beshi, ang CEO ng Sia Enterprises ginagawa mo lang personal cook." Pabirong kinurot ako ni Nisha.




Ngumuso ako at nilingon si Mav. "I'm really sorry, love. Babawi ako sa'yo," hinalikan ko naman siya sa pisngi. Ngumiti siya at kinurot ang ilong ko.




"Tama na harot please, respeto na lang," inis na sabi ni Nisha. Tinawanan lang namin siya.



"Kumusta na nga pala ang wedding preparations?" tanong ni Nisha.



"Shit! Muntik ko nang makalimutan. May merting tayo with the suppliers, love. Mamayang 4pm," sabi ko kay Mav.




"Nasabi mo na days ago, sinigurado kong hindi matatamaan ang schedule ko," ngumiti siya sa'kin. Nag-thumbs up naman ako sa kanya.




Tinikman ko naman ang packed lunch na dala-dala ni Mavrick para sa'kin. Beef brocolli siya at may kaunting rice din. Alam niyang tansyado ang kanin ko dahil hindi naman mabilis ang metabolism ko. Nanlaki ang mga mata ko ng matikman ko ito.





"Change career ka na ba love? Grabe ang sarap nito!" nag-apir kaming dalawa. "Ako lang 'to, mahal." Aba, linya ko 'yon ah!




Bigla na lang nag-notification ang cellphone ko at nagpahiwatig na may tumatawag.




Choice of an HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon