35

1.8K 41 1
                                    

"Thank you po, Doktora."

Kanina pa nagsimula ang medical mission. Andito na kami ngayon sa isang covered court.

"We'll visit some hospitals later to personally deliver the equipments." Harvey said.

"Sure."

"Sasama daw si Mr. Sia." He informed at tumango na lang ako. Mukhang mapapadalas talaga na magkasama kami, nakakainis naman.

Bumalik na ako ulit sa post ko para maka-attend ng iba pang patients.

"Diretso na lang po kay sa Tent 3 para makuha yung mga gamot." sabi ko pagkatapos siyang bigyan ng reseta.

"Maraming salamat po, Doc. Malaking tulong po talaga kayo."

"Trabaho ko po yun, Nay. Magpagaling po kayo." ngumiti ako sa kanya.

At dahil nga target namin ang remote areas, siniguro namin na sapat na din ang mga gamot at supplies na ipamimigay namin. Hindi talaga lahat kayang makapagpa-check up, lalo na kung kapos talaga sa buhay at hindi rin maayos ang facilities ng hospital. Kaya hangga't maari ay makarami sana kami ng mga lugar sa mga susunod pa para mapaabot yung tulong namin sa kanila.

"Last patient?" Harvey asked. Tumango lang ako.

"Tara? Pupunta na daw tayo sa bayan." He said and gestured me to come. Sumunod naman na ako.

"Dra. De Vera!"

Napalingon naman kami pareho ni Harvey.

"Yung tumbler niyo po." sabay abot ni Nurse Grace.

"Ay thank you po."

Bigla na lang akong may narinig na isang malakas na dabog sa pintuan. Nahagip ng mata ko si Mavrick na kabababa lang ng sasakyan at matalim ang tingin sa'min.

"C'mon, we'll be late." anunsyo niya sa isang malalim na boses.

"Pasensya na, Mr. Sia nagkaroon pa kasi ng last patient si Cali." Harvey said at nauna nang pumasok para i-start ang sasakyan.


Nakatayo pa rin si Mavrick at pinagmamasdan kami. Hindi na lang ako tumingin dahil naiilang ako.

"Shit. It won't start." hinampas pa ni Harvey ang manibela.

"What's the matter?" nakalapit na pala si Mavrick sa sasakyan ni Harvey.

"Nagloloko nanaman yata. I need to find a mechanic, pupunta na kasi ako Manila mamaya." sabay kamot ni Harvey sa ulo.

"Sige sasakyan ko na lang gamitin natin, Harvey." sabi ko.

"Di mo ba siya narinig? Kailangan ngang maghanap ng mekaniko agad para maayos e." Mavrick hissed. Napatingin sa kanya si Harvey sa inasta sa'kin.

"So what are you suggesting?" pagtataray ko.

"Sumabay ka sa'kin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mas lalo lang akong naging uncomfortable sa nangyari.

"Mr. Sia's right, Cali. Mauna na kayo dun, susunod ako kapag naayos na 'to."

Tahimik akong nag martsa papunta sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan uupo kaya dumiretso na lang ako sa passenger seat.

"So ginawa mo 'kong driver niyan?" Tanong niya.

"Bilisan mo, mag-drive ka na lang." I said.

Choice of an HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon