32

1.6K 30 1
                                    

"Cali..Call me okay?"

Nakikita kong ayaw ako pakawalan ni Kuya, pero alam ko ding naiintindihan niya ako. I'm doing this for myself. Oo, selfish pakinggan pero ngayon mas gusto ko na lang unahin ang sarili ko.


Tulala akong pinagbuksan ni Mavrick ng pintuan ng sasakyan niya. Tahimik lang kami pareho habang nagd-drive siya. Nag-park siya sa isang abandoned parking lot hindi kalayuan sa subdivision namin.


I've been thinking about this for a while now. Narealize ko na baka nga tama si Tita Vicky at Tito Julius, I am not good enough for Mavrick. I don't have that much time for him because I have things to matter. Maaring dumating sa punto kung saan magkakalayo kami, hindi makakapag-usap and our love might fade away.

At this point, I want to end things on my own way, para din ito sa ikabubuti namin. So I had gathered all my courage to have the urge to talk after a long a silence.

"I'm sorry—"

"Let's end this—"

Sabay kaming nagsalita ni Mavrick pero ako ang huling natapos.

"Sorry. What?" His brows furrowed.

"Ano ine-expect mo? Makikipagbalikan ako sa'yo pagkatapos kong makitang may kasama kang iba? Tangina, hindi na ako natuto." I said at hinilamos ang kamay ko.

"Cali, hindi mo naiintindihan.." rinig ko ang frustration sa boses niya.

"Anong parte dun ang hindi ko maintindihan? Kitang-kita ng dalawang mata ko na niloloko mo 'ko, Mavrick."

"Hindi kita niloloko, Cali." He said at unti-unting yumuko. Nakita kong pinunsan niya ang mga luha niya.

"Wag mo nga akong gawing tanga, Tama na, pagod na pagod na ako. I think it would be better if we stop at this point." I said and avoided his gaze.

Inabot niya ang kamay ko habang nakayuko. Naririnig ko din ang mga mumunting hikbi niya. Sobrang higpit ng hawak niya na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Cali, 'wag mo kong iwan please. Di ko kaya.." I can hear pain from his voice.

"Hindi ko rin kaya Mav, pero ito ang dapat 'kong gawin."

"Cali, pakinggan mo 'ko please. I love you so much, hindi kita kayang saktan."

"I love you too, Mav. But I need to let you go."

"Ayaw mo na?" He asked. It was as if he finally digest everything. I nodded.

"Cali, just for a moment stay with me please? I need to rest." aniya at dahan-dahang inabot ang kamay ko.

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa bintana habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan.

"I'll go ahead." sabi ko matapos siyang pagbigyan sa hilig na manatili muna ako kahit sandali.


Lumabas na ako ng kotse niya, dahil baka kapag nagtagal pa ako ay hindi na ako umalis. Baka mapatawad ko siya agad at tanggapin muli siya ng buong-buo.

Gaya nga ng sabi ko kanina, malapit lang iyon sa subdivision kaya naglakad na lang ako pauwi.

Bigla na lang may bumusinang sasakyan sa gilid ko.

"Cali.." tawag ni Kurt. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Doon lang nagsink-in sa'kin ang mga nangyari. Nakaramdam ako ng paghina ng tuhod ko, nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko sa mga mata. Unti-unti ako napaupo at dinaluhan agad ako ni Kurt.

Choice of an HeirKde žijí příběhy. Začni objevovat