22

1.4K 36 0
                                    

"Merry Christmas!"



Kanya-kanyang bati ang iginawad naming pamilya sa iba naming relatives. Madami kasi kaming pupunta sa Boracay para sa post christmas celebration at sa nalalapit kong birthday.



"Naks! Lapit na din birthday ah." My cousin, Kuya Dexter patted my head.



"Lumalaki pero hindi tumatangkad." Asar ni Kuya Derreck sa'kin, kapatid niya si kuya Dexter. Nakita ko din si Kuya Cale na tumawa.



"What?" He raised his brows. Inirapan ko na lang sila. Ako kasi lagi ang mahilig asarin.



"Bar hopping sa birthday salubong mo ah!" Ate Laine said excitedly.



"Hoy tawag na tayo dun!" Kurt said. Isa pa naming pinsan.



Dali-dali na kami pumunta sa departure dahil tinatawag na ang flight number namin.



"Thank you for choosing our company as your airline today. We will see you next time." The announcer said.



"Touchdown Boracay!" Kassandra said, kapatid naman ni Kurt.



Dumating na kami sa port at nandito na din ang sundo naming bangka na galing sa hotel.



"Gutom na ako." sigaw ni Lorence na kapatid ni ate Laine.



"We'll first have our lunch, then you guys can do what you want." Anunsyo ni Papa.



Pagkalapag namin sa dalampasigan, panay picture na ang mga nanay namin.



Napagdesisyunan namin na sa hotel na lang muna mag lunch. Mamaya na lang daw kami mage-explore ng mga restaurants and other water activities.



"I guess it's better na matulog muna tayo bago gumala mamaya sa beach." Ate Laine declared.



Napagkasunduan na kaming magpipinsan ang magkakasama sa iisang hotel room. Ang mga magulang naman namin ay may kanya-kanyang suite.



Dalawang palapag naman ito kaya okay lang din. Ang mga girls sa taas, at mga boys ang sa baba. May balcony din kaya tiyak na maeenjoy namin yung view since beach front ang hotel namin.



"Kuya pakuha naman ng gamit ko" Sigaw ni Kassandra sa baba.



"Kaya mo na yan!" Sigaw pabalik ni Kurt. Inis namang bumaba ang kapatid para kuhanin ang gamit niya.



Ngayon na lang kami nagkasama-sama,  buti na lang sanay na ako sa ingay namin.



"Kuya, sight-seeing muna tayo dito." Kuya Derreck let out a small laugh at dumiretso sa balcony. Ganoon na din ang ginawa nila kuya Dexter at kuya Cale.


Naisipan kong i-text si Mavrick para sabihin na andito na kami sa Boracay.


From: Mavrick
Enjoy, love! Our flight will be in an hour. I love you.


To: Mavrick
Safe skies, love. I love you too.


Then I dozed off.



"Hoy hindi tayo pumunta dito para matulog!" Sigaw ni ate Laine na nagpagising sa amin ni Kassandra.



"Tara sa D-Mall tayo." anyaya ni kuya Derreck kaya nagbihis at nag-ayos na kaming girls.



I decided to wear a yellow body suit paired with white shorts. I just wore a simple flipflops since nasa beach lang naman kami. Naisipan ko na ding magdala ng sunglasses at maglagay ng cheek at lip tint para hindi ako maputla.



Choice of an HeirWhere stories live. Discover now