39

1.8K 35 0
                                    

"Malawak ang Farm niyo. It's nice."

Panay ang puri ni Tito Hector sa kay Papa. Huling araw na rin namin ito sa Farm.

"Hopefully soon ay makapag-invest din kami. Maganda kasi dito, clean air amd relaxing surrounding." ani tita Haidee na mom ni Harvey.

"Pwede tayong mag canvas ng lupa mamaya." Ngiti ni Mama.

Napatingin ako sa gawi ni Harvey na hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya. Sana lang hindi mapansin nila Mama dahil baka maungkat ang nangyari kahapon.

"Harvey, are you sick?" tanong ng mom niya sabay hipo sa may noo niya.

"No, my. I just don't have the appetite." Harvey replied.

"Do you have a particular food in mind? Pwede naman nating ipaluto." sabi ni Mama.

"I'm fine po. Excuse me lang." deklara niya at umalis. I am kind of guilty about it but he didn't have to act like this.

"Why don't you ask him what's wrong, Cali?" Tanong ni Papa.

Tatayo na sana ako para sundin ang sinabi ngunit pinigilan ako ni Kuya Cale.

"She's not yet done eating, Pa." sabi ni Kuya at pinaupo ulit ako.

Sinunod ko na lang sinabi ni Kuya. Mabuti naman at hinayaan lang siya ni Papa.

"Magpapakain ako ng mga baboy tsaka manok dun. Sama ka?" tanong sakin ni Kuya Cale pagkatapos namin kumain.

"Sure." Tugon ko.

Mayroong tirahan ang mga hayop dito sa Farm. Nang makapasok kami ay amoy na agad ang hindi kaaya-ayang amoy galing sa mga baboy dahil ito ang una naming mapuntahan, but I don't mind.

"Here." sabay abot ni Kuya Cale ng pagkain ng baboy.


Nauna na siyang maglakad at maglagay sa hilera ng mga baboy. Sinundan ko din siya at ginawa naman iyon sa kabila. Mayroong nakaantabay na mga trabahador sa'min, pinakiusapan siguro ni Papa na bantayan kami.

"Where's the spoiled brat?" tanong ni Kuya ng matapos na bigyan ng pagkain ang mga baboy.

"Harvey?" kumunot ang noo ko.

"What he did earlier stated the obvious, Cali. You shouldn't walk out in the middle of a meal." aniya.

Parang ako pa tuloy ang nasermonan niya. Hinayaan ko na lang siya, minsan lumalabas lang talaga ang pagkamatanda niya. As per Harvey, tingin ko't mas makabubuti kung hindi ko muna siya kakausapin. I may look like an insensitive person if that happens.

"Is that guy hitting on you?" usisa ni Kuya.

"I—rejected him." I replied.

"Oh.." Mukhang hindi inaasahan ni Kuya ang sagot ko.


Andito naman kami ngayon sa mga manok. Mayroong mga manok na nasa kanya-kanyang kulungan at ang iba ay sama-sama.


"Thank you po." sabi ko sa trabahador nang ipakita sa'kin ang tamang measurement para sa pagkain nila.

Nang matapos na kami sa agenda para sa araw na iyon ay bumalik na kami sa bahay. Naisipan naming tumambay sa may veranda dahil pareho naming nae-enjoy ang tanawin mula sa kinauupuan.


Choice of an HeirWhere stories live. Discover now