40

2.2K 37 0
                                    

"I'm sorry for the inconvenience, Tito Tita."


Hindi pa rin ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya kanina. So he's thinking of marrying me?



"We understand, Mav. We apologize also." ani Mama at tumingin kay Tita Vicky na nakatulala. Gaya ko, siguro ay nabigla din siya.


"I'll call you later." bulong ni Mavrick bago nagpaalam na umalis at akay-akay na si Tita Vicky.



"Let's go inside." sabi ni Papa at nauna nang pumasok. Sumunod na din kami, pang huli ay si Kuya Rey at siya na rin ang nagsara ng pinto.


"Anak mag-usap muna tayo.." sabi ni Papa at naupo na sa sala namin. Tumabi naman si Mama sa kanya at ako ay umupo sa tapat nila.


"Nagkabalikan na na kayo?" panimula ni Mama.


"We're taking things slow po, Mama." tugon ko.


"I know you are a responsible child, Cali. Siguraduhin niyo munang ayos na ang mga nasa paligid, bago kayo umaksyon." sabi ni Papa sa isang malalim na boses. He's always authoritative, alam ko namang he cares for me kaya siya ganyan.



"It's not that we're against you both, dear. Noon pa lang, kitang-kita ko na kung paano niyo pahalagahan ang isa't isa." Lumapit si Mama sa'kin para hawakan ang kamay ko.


Hindi ko maiwasan ang hindi maluha. Sobrang swerte ko kasi handa silang tanggapin si Mavrick para sa'kin. Sana balang araw ay ganun din sina Tita Vicky at Tito Julius.


"I'm sorry anak. I became inconsiderate of your feelings." ani Papa. Maybe he was pertaining on how he used to set up me with Harvey.



"Naiintindihan ko po, Pa. Huwag po kayong mag-alala, may mag-aalaga na po sa'kin." This time, I'm sure that I'll spend the rest of my life with Mavrick.


Natawa si Papa sa sinabi ko. "Kailangan pa naming mag-usap ni Mavrick, let's set-up a dinner soon. Dapat alam niya kung paano pahalagahan ang prinsesa ko."


Nang sumunod na mga araw ay naging busy ako sa pagtanggap ng mga outpatients.


"Heart Transplant takes 4-6 hours. If he recovers without any problems after the surgery, he will discharged after a month. I'll explain it further when we have the results." sabi ko sa guardian ng pasyente.


"Salamat po, Doktora." tugon niya at inalo ang Ama. Ang tatay niya kasi ay nangangailangan ng heart transplant, dahil sa katandaan niyo ay unti-unti nang bumibigay ang kanyang puso.

"Last patient na, Doc." sabi ni Dr. Marquez ang resident na madalas kong kasama sa consultations.

Magpapasalamat sana ako ngunit biglang tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag.

"Hello?" sabi ko pagkasagot.

[Emergency patient, Doc!] sabi ng nasa kabilang linya.


Binaba ko na ka agad ang tawag at tumakbo patungong Emergency Room. Hinagilap ko agad kung nasaan ang pasyente.



"The patient had a cardiac arrest due to bradycardia. I performed CPR for three minutes. His cardiac activity has been restored for now." sabi ni Dra. Quizon, isang second-year resident ng CS.



"Let's check his ultrasound." sabi ni Dr. Marquez na sumunod pala sa'kin. Iminuwestra niya sa'kin ang ultrasound result.



Choice of an HeirWhere stories live. Discover now