Chapter 8 - Nostalgia

63 4 1
                                    

Seirá Agapis
Chapter 8: Nostalgia

•••
"It is strange how we hold on the pieces of the past while we wait for our future" - Unknown
•••

LUMIPAS ang isang buwan at ngayon na ang ika tatlong buwan ng kanyang anak na si Euphemia. Sa isang buwan na pagtra-trabaho niya sa ospital na pagmamay-ari ng mga Santillan ay naging maayos naman ang takbo ng buhay niya. Nasanay na siya sa bagong environment ngunit may mga bagay talagang bago pa sakanya, gaya nalang nang laging pagsabay sakanyang mananghalian ni Miguel Santillan na naging dahilan upang maging laman sila ng chismis sa ospital.

At nitong nakaraang linggo ay na feature pa silang dalawa sa DOCLOVE magazine. Isang magazine na ginawa mismo ng kung sino man sa hospital. Kadalasan daw ang laman nito ay yung mga litrato at impormasyon ng mga gwapo at magagandang doktor ngunit noong nakaraang linggo ay halos mapunit niya ang magazine dahil sa hiya ng makita niya na halos kalahati ng issue nito ay mukha nilang dalawang Miguel ang nakalagay.

Not to mention na ang headlines ay: THE HOT DOCTOR IS DATING THE NEW GORG DOCTOR?

Tandang-tanda niya kung paano namula ang mukha niya sa kahihiyan at tinawanan lang siya ni Miguel.

Hindi niya mapigilan ang mapabuntong hininga habang gumagawa ng espesyal na chocolate cake para sa handaan mamayang gabi. Nitong mga nakaraang araw din kasi ay may kakaiba siyang napapansin kay Miguel. Alam niya ang mga galawan nito dahil minsan niya na itong nakita sa mga dati niyang manliligaw. Ngunit kahapon din lang ay napgdesisyunan niyang sabihin sa lalaki ang kanyang sitwasyon.

She told Miguel that she cannot entertain any suitors at the moment and that is because she already has a beautiful child and she is very much hoping in finding the father.

When she said that ay nagulat siya ng sabihin ng lalaki na maghihintay nalang siya, that he is willing to be the father of her child kung sakali man daw na hindi magpakita ang tatay ng anak ko. Hindi niya na muling sinagot ang sinabi nito kahapon dahil kahit anong mangyari hahanapin niya talaga ang tatay ng anak niya. Hindi pa siya nakakapagsimula ngayon dahil kakakuha niya palang ng trabaho at ayaw niyang masyadong mahiwalay sa anak.

Sapat na ang hindi niya ito makita ng walong oras kada araw. Mabuti nalang nga at pinayagan siya na mag day off muna sa trabaho dahil sinabi niya kay Miguel na plano niyang maghanda dahil tatlong buwan na ang anak niya. Gusto nga daw din sana nitong pumunta kaso maraming  din daw itong aasikasuhin sa hospital.

"Uwaaaa" - iyak ng kanyang anak na si Euphemia dahilan para mabitawan niya agad ang wire whisk na kanyang hawak hawak at agad na tumakbo papunta sa anak.

Agad niya itong kinarga at sinimulang ihele.

"Gutom ka na Euphy?" - tanong nito sa anak na patuloy pading umiiyak. Tinaas niya ang kanyang damit at tska niya nilapit ang anak sa kanyang dibdib at nang maramdaman ni Euphemia ang kanyang dibdib ay agad itong nagsimulang uminom ng gatas.

Napadaing siya ng mahina dahil medyo napa diin ng anak ang pagkakasubo nang kanyang dibdib. Wala pa naman itong ngipin pero alam niyang mas makakaramdam siya ng kirot pag nagkangipin na ang anak, kaya kapag naging anim na buwan na ito ay baka magsimula nalang siyang magpump ng gatas para masanay nadin na sa feeding bottle umiinom ang anak pero sisiguraduhin niya na gatas padn ang iniinom nito at least hanggang mag two years old ito. Kapag umaalis siya para magtrabaho ay sa feeding bottle nadin ito umiinom at nagpu-pump nadin siya ng gatas pero kapag umuuwi siya ay pinapainom niya ito ng gatas ng diretso sa kanyang dibdib.

Matapos ang ilang minuto ay tumigil nadin ang kanyang anak sa paginom ng gatas kaya agad niyang kinuha ang lampin at sinabit niya ito sa kanyang balikat. Inayos niya ang pagkaka-karga sa anak at sinimulan niya itong padighayin dahil masama sa sangkl ang hindi nakakadighay. Lumipas ang tatlong minuto at successful na nakadighay ang anak kaya agad niya itong hinele para muli itong makatulog at makabalik na siya sa pagasikaso ng handa para mamayang gabi.

Nang tuluyan nang makatulog si Euphemia ay agad niya itong binalik sa crib at kinumutan ng maliit at manipis na kumot. Pagkatapos niyang masiguro na ayos na ang anak ay agad siyang bumalik sa paggawa ng cake. Kailangan niyang bilisan ang kilos dahil baka mamaya ay umiyak nanaman ang kanyang anak at baka tuluyan na niyang di maatapos ang pagluluto dahil hindi padin sanay si Euphemia na hindi siya nararamdaman kaya pag nasa trabaho siya ay binibigay niya kay Linalee ang ilang recording ng boses niya para matulungan ito sa pagpapatulog at pagpapakalma sa anak.

"Kanino ka ba nagmana at bakit ang possessive mo anak?" - she can't help but to ask herself at tska na siya nagpatuloy sa paghalo ng batter.

ALAS SAIS na nag gabi at sakto niyang natapos ang mga pagkaing handa sa ikatlong buwan ng kanyang anak. Mabuti nalang at dalawang beses nalang nag pa ayos si Euphy sakanya. Ang ikalawang beses ay dahil puno na ang lampin nito at kailangan nang ilagay sa labahan. Ang ikatlong beses naman ay dahil nag poop ito.

Nakapagligo nadin siya at nakapagbihis ng medyo espesyal, ganoon din ang ginawa niya sa anak. Pinunasan niya ito ng basang labakara na binabad sa tubig na may alcohol at sinuutan niya ito ng kulay pink na damit. Not to mention na lahat ng suot nito ay kulay pink.

Mayroon pa siyang 30 minutes bago dumating ang kaunting bisita. Ang inimbita lang naman niya ay si Linalee, si Liberty at nang imbita din si Liberty nang dalawa nitong kaibigan. Sinabi din kasi ni Liberty sakanya na ang isa na dadalo sa maliit na salo-salo ay ang may-ari ng bar kung saan siya nagpakalasing at ang isa naman ay ang kaibigan niyang naging dahilan kung bakit talaga ako nakakuha ng trabaho sa hospital ng ganoon kadali.

She can't actually wait to meet Liberty's friends and celebrate her daughter's third month!

Niyakap niya si Euphemia at sinimulang ihele ito. She was then about to let Euphemia drink her milk ng biglang may nag doorbell, kaya agad niyang binaba muna si Euphemia sa crib nito at patakbong pumunta sa pintuan upang buksan ito.

She was expecting to see Liberty or Linalee pero napakunot ang noo niya ng pagbukas niya ng pinto ay walang bakas ng Liberty of Linalee siyang nakita. Lumabas pa siya ng pintuan upang tingnan kung may nangtri-trip lang ba sakanya o ano. Pero mukha namang walang tao. Papasok na siya muli ng bahay nang may nakita siyang box na naka wrap pa sa gift wrapper sa gilid ng tanim na nilagay niya upang maging dekorasyon two weeks ago.

Kinuha niya ang box at nagtaka siya ng nakita niya ang pangalan niya doon. Kinuha niya ang box at pumasok na siya sa loob ng bahay. Hinayaan niya muna si Euphemia sa crib nito dahil hindi pa naman ito umiiyak.

Umupo siya sa sofa at agad niyang binuksan ang box at nang matanggal niya ang wrapper at mabuksan niya na tuluyan ito ay sumalubong sakanya ang pamilyar na amoy at pamilyar na tshirt.

Nanginginig ang kanyang kamay  ng kunin niya ang tshirt. May nakadikit pa ditong maliit na sticky note

Napaluha siya nang mabasa ang nakasulat sa sticky note

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napaluha siya nang mabasa ang nakasulat sa sticky note. Hindi niya akalain na alam ng lalaking nakauna sakanya na nabuntis siya at babae ang kanilang anak. Hindi din niya maiwasang matawa dahil nandoon din ang title ng kantang naging dahilan upang maging mapusok sila noong gabing iyon.

Niyakap niya ang tshirt at sinimulan niya itong amuyin. The inhaled the scent that she can't forget and she always wanted to smell for the past year.

And honestly, she can't wait to meet him as well.

© IMPERATRICE C

LatchWhere stories live. Discover now