Chapter 10 - Brother

67 4 0
                                    

Seirá Agápis #2
Latch
Chapter 10: Brother

•••

"Sorry Linalee kung kailangan mo mag stay dito ng medyo matagal okay? But promise babalik ako agad pagkatapos ko." - Puno ng guilt na saad ni Krystique kay Linalee habang karga-karga na ang kanyang anak.

She asked Linalee if she could stay at her unit to take care of her daughter until eight pm. Umo-oo nadin naman si Linalee sakanya kaso hindi niya mapigilian ang ma-konsensya dahil simula alas nueve ay nagbabantay na ito sa kanyang anak. At ngayon naman na umuwi siya ng maaga ay hindi padin siya pwede.

"Ano ka ba miss Krystique ayos na ayos lang ho tska practice nadin to kung sakali mang magkaanak din ako" - nakangiting saad ni Linalee sakanya which made her smile. Sinabihan niya kasi ito na huwag siyang ituring na boss at ituring siyang parang kaibigan lang since, lagi niya naman itong naasahan. At sinabihan din niya ito na mag loosen up sakanya dahil hindi nadin naman ito ibang tao sa buhay niya.

"Thank you Linalee. Sige aalis na ako" - Krystique said at tska niya hinalikansa pisngi ang anak at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Dire-diretso siyang naglakad hanggang sa makarating siya ng elevator.

She then checked her phone if her brother messaged her. Since, they talked last night that Lynx would just message her if where they are going to meet up.

Nagkibilit balikat nalang siya at binalik ang phone sa kanyang bulsa. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang repleksyon sa gilid ng elevator. Siguro magpi-picture nalang siya mamaya upang may maipost man lang siya instagram niyang matagal ng naka-nganga dahil sa dami ng ginagawa niya.

Binalik niya ang tingin niya sa pinto ng elevator at sakto ay bumukas na ito. She then immediately walked outside. Dire-diretso lang siya sa paglakad hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.

At dahil wala siyang kotse ay napag-desisyunan niya na maglakad lakad nalang. Maybe she'll visit the nearest cafè that Liberty told her about.

Liberty said that the drinks there are superb and especially the strawberry shortcake. Yes, maybe she'll just try that while waiting for her brother's message.

Inabot lamang siya ng labing limang minuto at narating niya na ang sinasabing cafè. The cafè's name is Des Patisseries . Napangiti siya at agad siyang tumawid ng kalsada at dinertso ang cafè.

Pagpasok niya ay halos malaglag ang panga niya ng makita na marami na agad tao. But it is not that surprising since it's already two in the afternoon and people usually eat snacks or drink coffee at this hour. Pero she still can't believe that the cafè is that popular and maybe she is the only one who does not know anything about it.

Agad siyang pumila at pagka-pila palang niya ay may lumapit na agad sakanyang babae na naka-uniporme na parang american maid at kinuha nito ang kanyang order.She was too shocked and impressed to see such uniform dahilan para dalawang beses siyang tanungin ng babae kung ano ang kanyang order.

She then ordered a cafè americano and a slice of strawberry shortcake since she wanted to taste it and give her own judgement. Naghanap na siya ng mau-upuan and she choose the table near the window. Pagkaupo na pagkaupo niya ay agad namang tumunog ang kanyang telepono.

She then saw her brother's name kaya agad niya itong sinagot

"[Nasaan ka, Ate?]" - tanong nito sa kabilang linya. Of course tatawagin siya nitong ate dahil halos tatlong taon din ang tanda niya dito. Ngayon ay twenty nine na siya pero mabuti nalang at hindi siya single. Well single, single mother but hoping to meet the father ang status niya ngayon.

LatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon