Chapter 22: Miguel Santillan 2.0

57 2 0
                                    

LATCH

Chapter 22: Miguel Santillan 2.0

💠

Krsytique's Point of View

Sa halos anim na oras ng unang araw ng conference ay hindi ako gaanong nakapag-focus. Hindi ko alam pero hindi maalis sa isipan ko ang mukha ni Miguel. The whole conference, I was just thinking about the possible things that may had happen to him while I am gone. Mabuti nalang at puro orientation palang ang ginawa ngayong araw at wala pang training or what so ever na nangyayari dahil baka bigla akong tawagin at wala akong masagot, naku! Talagang pagagalitan ako ng Director kung sakaling nangyari nga ang ganoong bagay! And worst I'll definitely be fired if that happens!

"Doc De Garcia, ikaw na ba yan?" suddenly, someone called out to me which made me come back to my senses. Hinanap ng mata ko kung saan nanggaling ang boses and I smiled when I saw a familiar face. It is one of the pediatrician here that I used to have chitchat with whenever I am free, or during our routine rounds. 

"Doc Valle, kamusta? It's been 10 months!" - I said with a smile at agad ko siyang nilapitan at nakipag-kamay ako sakanya.

"Ayos lang naman ako, ikaw? Kamusta ka? Kasal ka na ba? Or may boyrfriend ka na ba?" - sunod sunod niyang tanong dahilan para mapatawa ako. Kasal? May Boyfriend? Saan naman niya nakuha ang mga tanong niya yan?

"Ayos naman ako, wala nga akong boyfriend, asawa pa kaya" - natatawang saad ko at imbis na matawa siya ay parang nabigla pa siya sa sinabi ko. Bakit nakakabigla ba talaga yung sinabi ko?

"Talaga? Alam mo kasi Doctora, simula noong umalis ka maraming nagbago kay Doc Miguel. Minsan nalang siya pumasok pero kahit ganoon ay kapag may major operation ay nandito naman siya pero after that uuwi na siya. Also, he started not to smile. Rumors started to circulate saying na na basted mo daw si Doc Miguel and kaya naging ganoon siya ay dahil hindi siya maka-move on sayo" - she said which immediately made me frown. What the hell? Who the heck made those crazy base-less rumors? At hindi ko binasted si Miguel, kung tutuusin siya nga yung nagsabi indirectly na 'we need space' 

"Anyways, ayoko ng masyadong pag-usapan dito. Doc Miguel banned us from talking about the past and every time he hears something about it he gets angry for no reason. Minsan iniisip nga namin na baka kasal na din si Doc Miguel since lagi na nga siyang wala dito sa hospital and he some nurses are telling that he is often heard talking to someone over the phone. But now that you are here and you are not married, maybe you still have a chance with him.. yun ay kung wala pa nga siyang asawa" - Doctora Valle said with a smile on her face, at pilit nadin lang akong napangiti. He is talking to someone over the phone? Always not in the hospital? prevents stories from the past resurfacing again? Baka nga may asawa na siya.. or maybe girlfriend?

But why does that thought hurts. Dapat nga masaya ako kung ganon dahil naka-move on na siya hindi gaya ng sinasabi ng mga empleyado dito. Pero bakit ni hindi ko man lang gumawang tumawa? Bakit nalulungkot ako? Am I expecting that he will wait for me? Hindi ko na talaga alam.

💠

| A few moments later |

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Doctor Valle sa malapit na coffee shop, and she told me quite a lot of things. Marami na daw nagbago sa hospital, kung dati ay nagfo-focus lang daw ang Santillan sa pagpapalago ng hospital inside the country, ay nakapagdesisyon daw si Miguel na magtayo ng branch sa ibang bansa, Pero walang ideya si Doc Valle kung saang bansa plano magtayo or nakapagtayo ng branch ang mga Santillan.

A part of me is hoping that the branch is in Germany and a part of me is hoping that it is not. Right at this moment, I am trying my very best to be honest with my feelings. Ayoko din naman kasing magsinunggaling sa sarili ko na lalo pa ngayon na nakita ko kung gaano kalaki ang pagbabago sakanya.

Right now, naghihintay na ako ng taxi dito sa waiting shed pabalik ng hotel. Halos 30 minutes na akong naghihintay pero walang dumadaang taxi. Well that's only natural dahil bihira talaga ang dumadaan dito na bakante pa ang sasakyan, wala din naman kasi akong magagwa dahil malakas na ang ulan at dahil sa katangahan ko ay nakalimutan ko pa magdala ng payong!

Napatingin ako sa orasan ko at napabuntong hininga ako ng makita kong mag-a-alas-sais na. I could call my brother, pero walang ibang magbabantay kay Euphemia... bahala na nga, maglalakad nalang siguro ako papunta doon sa isang sakayan! 

Magpapaulan na sana ako ng biglang may bumusina dahilan para mapatigil ako at ng lumingon ako kung sino or ano ito ay halos huminto ang oras, nagslow-mo ang paligid na para bang nasa teleserye ako... no.. this feelings... it's the same that I felt almost two years ago at that bar.

"May plano ka talagang sumulong sa ulan? tsk. Get in the car" - he said dahilan para matauhan ako.

"Huh?" - saad ko dahil hindi ko klarong narinig ang sinabi niya dahil unang una malakas ang ulan at pangalawa dahil nakatutok ako sa sarili kong imagination.

"I said get in the car, ihahatid na kita" - he said again in a flat tone at akmang tatanggi sana ako ng biglang tumaas ang kilay niya kaya sinunod ko nalang siya. Mahirap na at baka magalit pa ang isang to' dahil balita ko simula noong umalis ako, naging mainitin na ang ulo nito. Hindi ko alam, pero parang sa pag-alis ko ata sini-sisi ng mga doctor at nurse sa ospital ang pagbabago ng ugali nito.

Pero...


oo nga ba talaga?


Pagpasok na pagpasok ko ng kotse niya ay agad kong pinagpagan ang sarili ko dahil medyo nabasa ako. 


"Here" - he suddenly said at tska na inabot saakin ang isang kulay blue na twalya.

"Thank you" - I replied at pinunas ko ito sa basang parte ng damit ko lalong lalo na sa buhok ko. Hindi ko maintindihan, saang parte nagbago itong si Miguel, eh para namang dati padin naman ang pakikitungo niya ah? He is still caring and a gentleman in such way

"Patayin mo nalang ang aircon kapag nilalamig ka na" - he said as he started driving. 


Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa city lights ng buong lugar. Sa loob ng sampung buwang pagkawala ko ay mas lalong gumanda sa lugar na'to. Habang busy ako sa pag masid sa labas ay biglang nagsalita si Miguel na awtomatikong naging dahilan upang manigas ako sa kinauupuan ko. 

"Why did you come back? Is it because of me? or is it because of the conference I am hosting?" 

Bigla akong napa-isip, kung siya kaya ang kumontak saakin at hindi ang hospital na pinagtra-trabahuhan ko? pupunta kaya ako? papayag kaya ako kung siya mismo ang nag-reach out saakin na kung pwede na ba kaming magkita?

"Sa totoo lang Miguel, Hindi ko din alam eh. I have the choice to refuse but guess I did not. Having no choice to refuse is still a choice.But coming back here, I realized that a lot did change, and maybe it includes you.. I don't know" - matapat kong sagot sa tanong niya. Totoo naman ang sinabi ko. Pwede kong tanggihan ang director namin, gagawin kong rason ang anak ko and all, but still I chose to keep my mouth shut and gratefully accept the invitation. And can you believe that I just realized that a while ago when me and Doctor Valle are talking?

But the next thing he said almost made me stop breathing.

"Don't worry, whatever your choice is, I will be here to support you whether you belong with me or not." 


© IMPERATRICEC

AUGUST 2020

LatchWhere stories live. Discover now