Prologue

8.6K 134 2
                                    

"No!!! That's not true Allyson!! Please tell me that it's just one of your pranks!" Hindi makapaniwalang saad ni Jazon sa nakababatang kapatid ng kanyang girlfriend na si Andrea.

Nandito sila ngayon sa kanyang opisina sa Makati.

" As much as I want to tell you it is Kuya Jay, pero kahit ako hindi ko pa din matanggap-tanggap ang mga pangyayari." Sagot nito habang umiiyak. " Even Mom and Dad can't believe it. I know this is also hard for you Kuya Jay and so as me. When they called me kanina habang nasa school hindi ko na nakuhang natapos ang rehearsal namin. Cos when I heard the bad news para akong pinagbagsakan ng langit at lupa." Patuloy ni Allyson na humahagulgol na.

Si Jazon naman na nakasandal sa kanyang office table ay unti-unting napaupo padausdos sa sahig.

"Kausap ko lang siya nung isang araw, Al. Ang saya-saya pa niyang nagkukwento sa'kin kasi finally nakarating na din siya sa Trans-Siberian Railway na yon." He said while crying so hard.

Katatapos lang ng lunch meeting nila sa conference room ng sabihin ng kanyang sekretarya na kanina pa siya hinihintay ni Allyson sa loob ng kanyang opisina.

Nagtaka siya dahil hindi naman sila ganoon ka-close nito kahit na nga ba mag-iisang taon na din niyang girlfriend si Andrea. Busy kasi si Allyson dahil isa itong theater actress sa pinapasukang University. Kaya napakadalang lang silang makapag-usap. Kaya ipinagtataka niya ang biglaang pagparito ni Allyson.

Bahagya siyang nagulat ng inabutan itong pinipilit pigilan ang pag-iyak. Agad na binundol ng kaba ang kanyang dibdib ng magsimula itong magsalita at sabihing may masamang nangyari sa ate nito na nasa Russia.

Nagpaaalam kasi si Andrea noong nakaraang linggo na tutulungan muna nito ang mga magulang sa pag-asikaso ng kanilang family business doon.

Ayaw niya sana itong payagan dahil hindi siya sanay na wala ito sa kanyang tabi lalo na't hindi daw nito sigurado kung gaano ito katagal mamalagi sa Russia dahil susulitin na din umano nito ang pagpunta roon para makapaglibot. At isa pa madalas niyang mapansin na may nagbago sa mga ikinikilos ng nobya. Nabawasan na ang pagiging malambing nito at mabilis ng uminit ang ulo. Kaya nga kahit labag sa loob niyang paalisin ito ay pumayag siya para naman makapag unwind ito at baka sakaling ma-refresh.

Pero ngayon ay pinagsisihan niya na pinayagan ito sa pagpunta sa Russia.
Nasunog umano ang tinutuluyang cabin nito sa isang bahagi ng bundok sa Russia. Sa kamaang-palad ay hindi ito nakaligtas 'pagkat hatinggabi nangyari ang sunog at kasalukuyan itong natutulog. Hindi umano ito agad na rescue dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil purong kahoy ang cabin.

Hindi niya na napag-alamang nagmundok pala ito dahil na rin marami siyang kailangang tapusin na trabaho simula kahapon. Isinugod pa ang kanyang ama sa ospital matapos itong mahirapang huminga nang nagdaang gabi. Napag alaman kasi nitong may iligal na naglalabas ng pera mula sa kanilang kompanya. At ayon sa pag-iimbistega ay napag-alaman nilang sarili pa nitong kapatid ang may pakana.

Ngayon hindi niya alam ang kanyang uunahin. Kung lilipad ba siya papuntang Russia o aayusin ang gusot sa kompanya.

"They left with no choice but to cremate my sister's body, Kuya Jay. Hindi na din kasi makilala ang bangkay niya." Sa nahihirapang patuloy ni Allyson na wala pa din puknat ang pagdaloy ng luha. "Nakapag book na ko ng flight tomorrow morning Kuya.  I just came here to tell you this....this..." Hindi na nito nakuha pang maituloy ang nais sabihin sapagkat humagulgol na naman ito ng malakas.

Nang hindi siya sumagot ay tumayo na si Allyson mula sa kinauupuan.

"Don't hesitate to tell us if you want to go there too, Kuya Jay. I'll go ahead. I need to fix my things pa kasi." Nang wala pa din nakuhang sagot mula sa umiiyak na lalaki ay muli pa itong nagpaalam na ng tuluyan habang pilit hinahamig ang sarili para kumalma sa pag-iyak.

Naiwan namang patuloy na lumuluha si Jazon. Nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang mga buhok. Hindi niya kayang tanggapin ang masamang balita. Hindi niya matanggap na wala na si Andrea. Ang pinakamamahal niyang Andrea.......

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now