Truth Hurts- 14

2.8K 91 1
                                    

*CAUTION- heavy dramas ahead. Prepare your tissues and hankies.

[Hi DranojOren salamat sa support beybbe♥️ God bless you. 🙏]

MAKARAANG masuri ng ipinadalang OB ni Argel si Margaux, nakumpirma nilang nagdadalang-tao nga ang asawa. Nag-iwan na din ito ng mga vitamins na iinumin ng asawa.

Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nakita niya sa asawa. Maging siya ay sobrang saya din ang naramdaman. Ganun pala ang pakiramdam ng magiging ama na. Excited na siyang makita ang anak kahit pa nga hindi pa naman lumalaki ang tiyan ng asawa.

Excited na din siyang ibalita sa mga magulang ang magandang balita. Kaya wala pa yatang limang minuto nakakaalis ang OB na tumingin kay Margaux ay gumawa siya ng group video call sa Messenger at tinawagan ang mga magulang pati na ang mga byenan.

Sobrang saya din ng mga ito ng sabihin nilang magkakaapo na ang mga ito.

Pagkatapos ng tawag ay muling nakiusap si Margaux na bumalik na ulit sila Aurora. Kung kanina ay inakala niyang pinapaandaran lang siya nito ng kamalditan ngayon ay nahinuha niyang kaya nagkakaganoon ang asawa dahil sa paglilihi nito. Mukhang nagpaglilihian nito ang luto ni Nanay Rosie. Nakonsensiya tuloy siya at nasigawan niya pa ito kanina.

Kaya bilang ganti ay pinagbigyan niya ito sa pinaglilihian. Sinabihan niya itong magpahinga na muna at kinabukasan kapag maayos na ang pakiramdam nito ay lilipad na sila papuntang Dingalan.

Bukas na lang din niya siguro sasabihin sa Lolo niya na may nanalo na sa paligsahang binuo nito para sa makukuha nilang mana. Sigurado naman siyang wala ng habol pa si Ivan sa kanya. Wala naman kasi siyang nababalitaan na may girlfriend na ito. Kaya imposibleng manalo ito laban sa kanya.

[ Yon ang alam mo Jazon! 🤭 May alam akong secret na kahit si Ivan ay hindi alam]

KINABUKASAN ay tumulak na sila papuntang Dingalan dahil maayos na raw ang pakiramdam ng asawa. Bahagya lang ito nagduduwal pagkagising ngunit hindi na katulad kahapon na nanghihina ito. Salamat sa mga gamot at vitamins na iniwan ng OB.

Bago sila umalis ng Manila ay tumawag muna siya kila Nanay Rosie para ipaalam ang kanilang pagdating at para na rin maihanda na rin nito ang pinaglilihan ng asawa.

Tatawa-tawa na lang si Nanay Rosie ng sabihin niya ang pinaglilihian ni Margaux. Nung unang beses kasi nitong sinubukang pakainin ang asawa ng enseladang talong at pako salad ay masuka-suka ito sa lasa. Iba nga naman ang nagagawa ng lihi.

PAGKAPASOK na pagkapasok nila sa Villa ay dumeretso na si Margaux sa kusina at hinanap ang kinatatakamang pagkain. Nilantakan nito ang gawa ni Nanay Rosie na tuwang tuwa naman sa kanyang asawa. Naalala daw kasi nito ang sarili nung unang beses din itong maglihi.

Kinaumagahan ay sumama pa si Margaux sa pamamalengke para raw makita nito kung saan binibili ang mga pagkaing pinaglillihian. Nadagdagan na naman kasi ang gusto nitong kainin. Gusto na din daw nito avocadong hilaw pero kulay violet o yung tinatawag na murado.

Natawa naman ang mag-asawang katiwala dahil sa sinabi ng asawa niya. Wala daw kasing ganoon. Isa pa hindi panahon ng avocado ngayon kaya baka mahirapan silang makahanap nito sa palengke.

Siya naman ay nagpaiwan na lang muna para ayusin ang mga trabahong naiwan sa opisina. Dinala niya rin ang kanyang laptop para kahit nandito sila Aurora ay namomonitor niya ang kanilang business.

Naalala niyang tawagan ang kanyang Lolo Romualdo pagkatapos ng kanyang ginagawa para ipaalam na dito ang pagkapanalo niya.

"Hello my dear granpa!"
Yes hijo-
"Haven't you heard the good news? Wala pa bang sinasabi sayo sila Dad?"
-Why? What is it?-

VICTIMS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon