Cabin in the Woods-6

2.7K 94 0
                                    

Margaux's POV

Hindi na ko nagtaka sa nakitang magarbong ayos ng villa. Bungalow style lang ito pero alam kong expensive ang mga interior designs na ginamit sa buong bahay.

"Yan lang ba ang gamit niyo Jazon."

"Opo nay rosie. Diretso ko lang to sa kwarto namin para makakain na din tayo. Gutom na ako eh."

"O bilisan mo kung ganon."

I heard them talking while I'm busy looking at the paintings on the wall. Admiration filled my eyes. Buhay na buhay kasi ang pagkakapinta sa mga larawan.

Mas napako pa ang atensiyon ko sa isang painting na nakasabit malapit sa pintuan ng villa. Isa itong cabin na napapalibutan ng mga puno. Sa kanang bahagi ng cabin ay may nakapinta ding black stallion horse.

Hmmm pero bakit parang ang sad ng ambiance. I silently told to myself. Madilim kasi ang kulay ng larawan. Black,brown and gray lang ang ginamit na kulay ng kung sino mang nagpinta dito. Dumako ang tingin ko sa ilalim na bahagi ng kwadro para tignan kung ano ang pangalan ng painter pero parang hindi naman signature yoon. Vuelve ang nabasa kong nakasulat sa dulo ng larawan. Spanish word yon for Come back. May alam ako sa salitang spanish dahil 1/4 ng dugo ko ay Spanish. Is it even a name? Weird....

"Si Jazon ang nagpinta ng larawang yan at lahat ng nakasabit dito sa villa. Siya ang gumawa." Putol ni nay rosie sa pag-iisip ko. Halatang proud na proud ito kay Jazon.

"Oh really nay rosie?!" And I feel proud about it too. He really has a talent! Deym! Wala kasi ako masyadong alam kay Jazon maliban sa mahal ko siya at gwapo siya. Hahaha. Kidding aside. Masiyado kasi siyang aloof sa mga tao at masikreto. Hindi naman daw siya dati ganoon sabi ni Tita Monica. When I asked why, she only said it's not her story to tell. Hayaan ko na lang daw muna at pasasaan daw ay kusa din itong magsasabi. And he already did. His past made him cold as ice. His Andrea.... na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan. Ouch! That really hurts! So that explains the sadness in that painting.

"Oo libangan niya yan simula pagkabata." Dugtong pa nito.

Nakita kong lumabas na si Jazon sa kwarto at tinawag ang pansin ni nay rosie.

"Ready na po ba ang table nay rosie? I'm starving to death,really!" Exaggerated na sabi niya.

"naku oo kanina pa nakahanda magsiupo na kayo doon sa kusina." Utos ni nay rosie.

"Let's go babe." He said before giving me a kiss the side of my head. Kinilig ako sa gesture niya na yon. Nagtataka man ako sa biglaang sweetness nito ay ipinagkibit balikat ko na lang. Ayoko na lang magtanong at baka masira pa ang momentum ko.

"Tara". And I hold his hand to follow nay rosie in the dining area.

Naglaway ako sa mga nakita kong nakahain sa mesa. Kaya wala na kami inaksayang oras at nilantakan na ang mga pagkain. Ayon kay Jazon ay paborito niya lahat halos ang inihanda ni nay rosie. Kaya maganang-magana ito sa bawat pagsubo. It's my first time seeing him this happy. Madalas lang kasi itong serious mode kapag nakikita ko. Panaka naka pa itong ngumingiti habang nagkkwento kay nay rosie about their experience riding the helicopter. Kasabay namin si nay Rosie na kumakain sa hapag at natutuwa akong hindi na talaga itinuturing na iba ni Jazon ang katiwala. Napaka down to earth talaga. Suplado nga lang. Pero gwapong suplado.

"Hindi ka mabubusog if you'll just keep on staring at me babe." Hindi ko napansin na nakatitig na pala ko sa kanya. Katabi ko lang kasi siya ng upuan. Bahagya tuloy namula ang mga pisngi ko. Pero agad din akong nakabawi at nagsalita.

"Ang gwapo mo pa rin kasi kahit kumakain" palusot ko. Narinig kong napahagikgik si nay Rosie sa katapat niyang upuan na animoy teenager na kinikilig sa napapanuod. Napansin ko na may naligaw na mugmog ng pagkain sa gilid ng labi nito. Mabilis kong tinanggal ito gamit ang aking hinlalaki. Bahagya namang natigilan si Jazon sa ginawa ko. "May naligaw" sabay pakita ko ng daliri na may mugmog.

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now