The Wedding-9

2.8K 88 2
                                    

Pagkagising kinaumagahan ay awtomatikong hinanap ng mata ni Margaux si Jazon. Pagkaraan kasi nilang makauwi kagabi sa villa at makapag hapunan ay sumama ang pakiramdam nito dahil sa pagkakabasa sa ulan. Pinainom niya ito ng gamot at binantayan magdamag dahil may kataasan ang lagnat nito. Humupa lang ang lagnat nito ng alas tres na ng madaling araw. Saka pa lamang din siya nagpasyang matulog ng masigurong bumalik na sa normal ang temperatura ng katawan nito. Ngunit paggising niya ngayon ay wala na ang lalaki sa tabi niya.

Sa pag-iikot ng kanyang mata ay may nakita siyang puting kahon sa dulo ng kama. Hindi naman ito kalakihan kaya hinila na lang niya ito palapit sa kanya. "Take a shower, wear this , and go outside."
Yon ang nakasulat sa note na nasa ibabaw ng kahon. Sulat kamay ni Jazon kaya alam niyang para sa kanya ang nasa loob ng kahon. Magaling na kaya talaga ang lalaking yun? Mas maaga pa sakin nagising.

Ipinagkibit na lang niya ng balikat ang isiping yon at binuksan ang kahon. Tumambad sa kanya ang off-shoulder white long dress. Simple but elegant. Para san kaya to? Ano kayang binabalak ni Jazon? May pa suspense pang nalalaman. Papasa itong wedding dress actually. May formal gathering siguro kaming pupuntahan or baka kasal. Hindi man lang ako sinabihan para hindi ako nanghuhula kung para saan to. Nasan na ba kasi ang lalaking yon?.....

*Eto yung dress na isusuot niya at magiging ayos niya*

Makaraang ilapag sa kama ang dress ay pumasok na siya ng banyo at ginawa ang utos nitong maligo siya. Pagkatapos niyang maligo at isuot ang damit ay hindi niya napigilang humanga sa sariling kagandahan ng humarap siya salamin. Parang hinulma talaga ang damit na ito para sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ito. Lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan sa pagkakahapit nito sa kanyang bewang. Partida wala pa kong make up niyan ha....

Pagkaraang purihin ang sarili sa salamin ay lumabas na siya ng kanilang kwarto. Agad na nangunot ang kanyang noo ng makitang hindi lang si nanay Rosie ang kanyang nabungaran sa sala dahil may dalawang tao pa itong kasama. Sa kilos ng mga ito ay halatang binabae ang mga ito dahil pakendeng na nagsilapitan ito sa kanya ng makita siyang lumabas ng silid. Gayunpaman ay halatang mga propesyunal ang mga ito.

"Gising na ang mahal na prinsesa" malanding wika ng unang nagsalita at lumapit sa kanya. "I'm Greta Miss Margaux" inilahad nito ang kamay sa kanya at tinanggap naman niya yon. "Gregorio sa tatay ko" malutong na tawa ang pinakawalan ni Margaux sa ginawang pagpapakilala ng kaharap. Sinadya pa kasi nitong lakihan ang boses sa huling sinabi na animoy sigang lalaki na iniliyad pa ang dibdib.

Ganun din ang ginawa ng isa pang bakla ka kasama nito. Pasiga-siga pa itong lumapit sa kanya at ginaya ang posing ni FPJ bago nagpakilala sa pina-bruskong tono.
"Hi Miss." Kinalabit pa ng hinlalaki nito ang ilong bago nagpatuloy. "Ako nga pala si Fernando. Fernando sa umaga, Pearly Shell sa gabi." Maarte ng sabi nito sa huli. Naaliw talaga siya sa mga ito. Gayun din si nanay rosie na nakalapit na din sa kanila.

"Naku tama na nga muna yan mga kiri talaga kayo Fernando at Gregorio. Magmadali na kayong ayusan si Margo at madami ng naghihintay sa kanya. Lalo na si Jazon kanina pa hindi mapakali." Napakunot naman ang nuo niya sa tinuran ng katiwala.

"bakit po nay rosie nasan pu ba si Jazon?kagabi lang may lagnat pa yun eh."

"Dahlin don't stress yourself about your yummy fiancé, malamang kami na ang ma stress kapag hindi ka pa namin naayusan." Si Greta.

"wait, bakit ko nga ba kailangan magbihis ng ganito at mag-ayos? Ano bang meron?"

"naku saka na magtanong bhe. Malalaman mo din mamaya." Sansala ni Pearly at makahulugang nagtinginan ang tatlo pero mga nakangiti at halatang mga kinkilig.

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now