(SPG ulit)-10

3.1K 109 1
                                    

_WARNING_
*SPG scenes ahead, not suitable for below 18 readers. Read at your own risk. Thanks. ❤️

MATAPOS ang seremonya ng kanilang kasal ay dumiretso na sila sa loob ng villa para sa reception. Nakita naman niyang kausap ng kanyang mga magulang si Margaux na asawa na niya ngayon. Halatang masaya ang mga ito habang nag-uusap usap. Mas madami na ang tao ngayon kaysa sa kasal nila kanina dahil sinabihan niya ang mga katiwala na mag-imbita ng mga gusto nitong imbitahan para hindi masayang ang mga pagkain. Sila kasi Margaux ay mabibilang lang ang mga kapamilya na naroon. Hanggat maaari kasi ay umiiwas siya sa press kaya hindi na siya nag-imbita ng iba pa. Isa pa biglaan lang naman ang kasal nila.

Nagpalinga-linga siya para hanapin ang pinsan para muling magpasalamat at para ibigay na rin ang donasyon niya para sa latest project nito sa Dingalan. Pa-cunsuelo ba kumbaga. Alam niya kasing busy ito sa munisipyo pero nagawa pa din siya tulungan.

He found Juanczo talking in his phone.
"Yo Klyde, dumating na daw yung gym equipments na inorder mo sa DKRC" ang tinutukoy nito ay ang Riding Club na pagmamay-ari ng mga ito.
" What? No! Nasa kasal pa ko ni Jazon, ni hindi pa nga ako nakakakain."--
"Ano pa nga bang bago... Naturingan ka pa manding President pero MIA ka naman lagi. ---- naku ewan ko sa yo. Damn you Klyde.. bahala ka na nga sa buhay mo.... " At pinutol nito ang tawag. Tumikhim namn siya para kunin ang atensiyon nito.

"In demand ka pinsan ah." Biro niya

"Like I have a choice... Ewan ko ba naman kasi dun kay Klyde! Kung sansan nagpupunta!"

"And unfortunately your the VP so ikaw ang sumasalo sa trabahong dapat ay sa kanya." Pang-aasar pa niya.

"and I'm also the fucking Mayor of this fucking town kaya wala akong magawa kundi bumyahe na naman ng ilang oras para pumunta sa Zambales. Fuck! Fuck!. Akala naman kasi niya siya lang ang busy!" Iritadong mura nito. Natawa na lang siya sa inaasal ng pinsan. Bakit kaya naging Mayor ito napaka bad tempered naman.

"Here." Abot niya sa tseke ng kanyang donasyon. Agad naman napalitan ng tuwa ang kanina lang iritado nitong mukha. Inabot naman nito ang tseke na malapad pa din ang pagkakangiti. Mukhang pera din talaga.... Hahaha.

"Now we're talking." Anito. "Thanks for this cous'. Malaking tulong to sa project na binubuo ng team ko. Baka may isa ka pang pakakasalan sabihan mo lang ako. Madali akong kausap alam mo yan"

"Tang-ina mo Juanito" asar niya dito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag sa totoong pangalan. Ang bantot bantot daw kasi ng pangalan nila ng ama neto. Kaya Juanczo na lang ang ginagamit.

"Eh kung kausapin ko kaya si Marj ngayon at sabihin ko yung tungkol sa last will ni Lolo Romualdo----"

"Tang-ina mo ulit, lumayas kana nga sa harapan ko! Kumain ka na din muna bago umalis. Use may helicopter instead para hindi kana umuwi pa sa Hacienda."

"Yessur" at binirahan na siya ng talikod papunta sa buffet table.

PAGKATAPOS magpaalam ng kani-kanilang magulang ay dumeretso na si Margaux sa loob ng kanilang kwarto. Kating-kati na kasi siya sa suot. Si Jazon naman ay susunod na rin daw at maghahabilin lang muna sa mga katiwala.

Matapos mahubad ang damit ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa banyo at nag shower. Napakasarap ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan. Nakakawala ng maghapong pagod. Magdidilim na din kasi ng magpaalam ang mga magulang nila. Pero bago nangag-sialis ibinigay muna ng mga ito ang kanya-kanyang wedding gift. Ang magulang niya ay honeymoon trip sa Maldives for 1 month. Katakot takot tuloy na panunukso ang kanilang inabot dahil don.
Ang mga magulang naman ni Jazon ay isang brand new house and lot sa Green Meadows sa Quezon City. And knowing the life status of her husband's parents and their wealth, sigurado siyang hindi lang basta bahay ang regalo ng mga ito kundi mansiyon.

VICTIMS OF LOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz