Morning Sickness-13

2.5K 95 0
                                    

[ hi to XantherKiahra thank you for your support 'yeyey' 😘♥️

Dalawang linggo ang matuling lumipas matapos makalabas ang Daddy ni Margaux mula sa ospital.

Sila naman ni Jazon ay patuloy pa din ang buhay bilang bagong mag-asawa.

Pinuno nila ang bawat gabi nila ng maiinit na lambingan sa tuwing uuwi si Jazon mula sa opisina. Siya naman ay naiiwan lang sa kanilang mansiyon para gampanan ang kanyang tungkulin bilang mabuting may bahay ng kanyang asawa.

Hiniram niya pa si Nanang Fely sa Mommy niya para magpaturo dito ng pagluluto. Gusto kasi niyang ipagluto ang asawa para naman kahit paano ay matuwa ito sa kanya dahil sa wakas ay may alam na siya sa gawaing bahay.
At syempre pa tuwang-tuwa naman ang mommy niya dahil sa nakikitang pagbabago niya. Nawala na daw kasi ang utusera at spoiled brat nitong anak na ginantihan lang niya ng tawa.

Mabilis naman siyang natuto dahil likas naman sa kanya ang pagiging matalino at mahusay magmemorya ng mga dapat gawin. Kaya sa tuwing pumapasok si Jazon sa trabaho at naiiwan siya sa bahay ay patuloy niyang pinag-aaralan kung paano iluto ang mga paboritong pagkain ng asawa.

Hashtag wife duties na nga siya officially. Kaya hindi lang pagluluto ang kanyang pinagtutunan. Maging ang paglilinis ng bahay, paglalaba ng marumi nilang damit at pag-asikaso sa garden nila ay ginagawa na din niya. Sobrang inspired kasi siya to be her better self para hindi na makaramdam pa si Jazon ng pagsisisi sa pagpapakasal sa kanya.

SINASADYA ni Margaux na maunang magising kesa sa asawa para ipaghanda ito ng almusal. Ngunit isang umaga paggising niya ay parang bumabaligtad ang kanyang sikmura at mabigat ang kanyang pakiramdam. Mabilis niyang tinungo ang banyo sa loob ng kanilang kwarto at sumuka ng sumuka.

Mabilis din namang napabangon si Jazon sa kinahihigaan ng magising sa nililikhang ingay ng pagsusuka ng asawa sa banyo at agad dinaluhan ito.

Naramdaman ni Margaux ang paglapit ng asawa sa kanya at hinagod hagod ang kanyang likuran.

"What happened Marj? Are you alright?"

"Nakita mo na ngang hindi diba tatanong tanong kapa!." inis na sabi niya dito. "umalis ka nga sa tabi ko! ang baho mo!". muli niyang sabi at naduwal na naman.

Nakita niyang natigilan ang asawa sa ginawa niyang pagtataboy dito. Halatang nagtataka ito sa inasal niya.
Pero hindi niya kasi mapigilan ang inis na nararamdaman dito kahit wala naman ito ginagawa sa kanya.

Hapong-hapo ang kanyang pakiramdam ng sa wakas ay tumigil na ang kanyang sikmura sa pagbaligtad. Akala niya kanina pati bituka niya ay mailalabas na niya dahil halos wala na siyang maisuka.

Si Jazon naman ay puno pa din ng pag-aalalang nakatayo lang sa pintuan ng CR nila at hindi malaman ang gagawin. Kung lalapitan ba siya o ano. Baka kasi palayasin na naman niya ito. Sa nahahapong tinig ay kinausap niya na rin ito. Nakonsensiya kasi siya sa ginawa niyang pagsusungit dito kanina.

"I-im sorry about earlier sweetheart.... I don't know what's to me..." Sa sinabi niya ay parang nahismasan na rin si Jazon at inalalayan na siya tumayo patungo sa kama nila at pinaupo siya roon.

"Just wait for me here babe. Ikukuha lang kita ng tubig sa ibaba ha." Masuyong sabi ng asawa niya at nagmamadali ng lumabas.

Inihiga naman niya ulit ang sarili sa kama at mariing pumikit. Fuck! I literally don't know what happened earlier. Am I sick?... Kahapon naman ay maayos lang ang pakiramdam niya. Naka ilang round pa nga sila ng asawa niya kagabi bago sila matulog. Baka naman nasobrahan na ko sa sex!! My goodness! Ang harot harot naman kasi ng asawa ko... Reklamo niya pa sa isip.

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now