Change of Mind-7

2.4K 91 0
                                    

Ramdam ni Jazon ang pagtataka ni Margaux sa biglang pagbabago ng pakikitungo niya rito. Hanggat maari ay ayaw niyang makahalata ito kaya aabalahin na lang niya ang sarili sa pag-aayos ng mga kailangan niyang ayusin para bukas.

Nang umalis siya sa villa ay dumeretso siya ng Office of the Mayor sa Municipal Hall ng Dingalan. Matapos siyang papasukin ng papasukin ng sekretarya kung nasaan ang taong pakay ay nagpasalamat siya dito.

Natagpuan niya si Mayor Juanczo Vergara II na nakaupo sa swivel chair nito at halatang hinihintay ang kanyang pagdating.

"So wala na talagang atrasan 'to pinsan." Bungad ni Juanczo sa kanya.

"I missed you too Dos." Pabiro niyang sagot at nakipag man to man hug dito pagkatapos ay umupo. Ito ang kasulukayang alkalde sa bayang ito.

"Did you send the things already?" Tanong niya sa pinsan. Panganay na anak ito ng kanyang Tita Monique, kakambal ng Mommy niya. Hindi nagkakalayo ang mga edad kaya halos sabay silang lumaki. Madalas siyang magbakasyon dito hanggang sa napagpasyahan na nga niyang bilin ang villa.

Pag-aari ng ama ni Juanczo ang lupain kung saan nakatirik ang villa. Dati din itong Mayor sa Dingalan na ngayon ay Congressman na. Gusto na lang sana ibigay ni Congressman Vergara ang villa sa kanya at wag ng pabayaran dahil hindi na rin naman daw ito nagagamit ang naturang lugar pero tumanggi siya at ipinilit pa rin na magbayad. Ang ibinayad naman niya ay dinonate naman ng Congressman sa NGO. Natuwa siya sa kabutihang puso ng asawa ng Tita Monique niya. Nakuha naman ni Juanczo ang kabutihan ng ama kaya kahit bata pa lang sila ay mapag kawang gawa na ang pinsan. Ang mga Vergara kasi ay kilalang angkan ng mga pulitiko dito sa Aurora.

"Opo, kahapon pa Kamahalan." yumukod pa ito kunwari at nakangisi. He sighed a little for a relief. Wala na pala siyang aasikasuhin pa. Thanks to his generous cousin because in just a short notice of time nagawa pa rin nito ang hiling niya kahapon.

"O 'bat parang biyernes santo yang mukha mo? Changed of mind already?"

"No... It's just that I feel a little guilty about this."

"Meron ka ba non?" Pabirong wika ni Juanczo sa kanya

"I know Margaux would love this idea but I'm kinda nervous at the same time."

"Kahapon lang you sound so decided about it dear cousin."

"Yeah I know but---." Biglang tumunog ang cellphone ng pinsan niya.

"Excuse me, sagutin ko lang to."

Itinutok na lang muna niya ang paningin sa flat screen TV sa loob ng opisina nito. Weather report ang laman ng balita. May nagbabadya daw masamang panahon at maya-maya ay inaasahang dadating na ito. Kasama ang bayan ng Aurora sa tatamaan ng masamang panahon. Napansin nga niyang bahagya ng makulimlim ang langit ng umalis siya ng villa.

"It's Mom. She's asking kung papunta na daw ba tayo don. C'mon JC let's go get Matte before heavy rains gets here." In-emphasize pa nito ang JC na nickname sa kanya ni Margaux. Alam kasi nito ang lahat patungkol sa dalaga dahil sa mga kwento niya rito.
Tapos na pala ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito.
Matte is his stallion horse na regalo sa kanya ni Juanczo on his 27th birthday. Maraming alagang kabayo ang kanyang pinsan sapagkat isa ito sa nagmamay-ari ng isang sikat na riding club sa Zambales. Ang Dark Knights Riding Club.

Sa farm ng mga Vergara nakalagak ang kanyang kabayo at kinukuha lang niya ito kapag nagbabakasyon siya dito sa Aurora. Andoon din ang mansyion nila Juanczo.

MAKARAAN ang higit isang oras na byahe lulan ng kanilang mga mamahaling motorsiklo ay narating nila ang Hacienda Vergara. Nakipag kamustahan muna siya sa kanyang Tita Monique. Ang asawa naman nito ay nasa out of town meeting kasama ang iba pang Congressman. May kalahating oras ang lumipas ay nagpaalam na si Juanczo para bumalik na sa munisipyo.

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now