(medyo SPG)-8

2.9K 96 2
                                    

Pagdating na pagdating ni Jazon sa villa ay humahangos siyang pumasok sa kabahayan at hinanap ang mga katiwala.

"Wala pa din siya Jazon." Bungad ni nay Rosie sa kanya

"Sandali ho at iche-check ko ang mga cctv footage." Mabilis ang kanyang mga naging kilos dumeretso sa unang kwarto at tinignan isa-isa ang mga footage nung oras na lumabas ito ng bahay. Nahagip naman ng isang cctv ang pagpunta nito sa pool area at pumasok sa kakahuyan.
Dali dali siyang lumabas ng kwarto at nagpaalam sa mag-asawa.

Sana tama ang nasa isip ko.

"Susundan ko ho yung huling dinaanan ni Margaux."

"Gusto mo bang samahan kita Jazon?" Si Melchor.

"Wag na ho tay melchor. Gagamitin ko din hu kasi si Matte para mas mabilis ko siyang mapuntahan."

"O siya mag-iingat ka ha. Malakas pa din ulan. Heto dalin mo itong flash light. Mahanap mo sana agad ang mapapangasawa mo. Kasal niyo na pa naman bukas." Turan ni Melchor. Inabot niya ang flashlight mula rito at nagpaalam na.

Mabilisang sumakay siya kay Matte paglabas ng bahay na naibaba na mula sa sasakyan. Pinasibad niya na ang kabayo at walang alinlangan na sinugod ang malakas na ulan patungo sa kakahuyan. Alerto ang mga mata niya sa mga madadaanan, nagbabasakaling makita ang nawawalang dalaga. Hanggang sa makarating siya sa bandang dulo ng kakahuyan kung saan naroon ang cabin niya. Bago sila dumating sa villa ay tinawagan na niya sila Rosie na ihanda ang cabin dahil everytime na umuuwi siya dito sa Dingalan ay nagpapalipas siya gabi minsan sa naturang cabin.

Bumaba siya mula sa kabayo at itinali ito sa katabing puno. Gamit ang flashlight ay tinungo niya ang pintuan ng cabin at may pagmamadaling binuksan ito. Umusal siya ng tahimik na panalangin ng makitang nasa loob nga ang dalaga at halatang nagising sa biglaan niyang pagbukas ng pintuan. Hindi niya napigilang sugurin ito ng yakap dahil sa pinaghalong takot at kasiyahan na naramdaman ng makitang safe naman pala ito. Nawala sa isip niyang basang-basa nga pala siya ng ulan....

NAALIMPUNGATAN si Margaux at nakaramdam ng takot sa biglaang pagbukas ng pintuan ng cabin. Hindi niya namalayang nakatulog na naman pala siya kanina. Inihanda niya na ang sarili at ang self defense na natutunan niya sa kanyang martial arts lesson. May nakatutok na maliwanag na ilaw sa kanyang mukha kaya hindi niya maaninag ng mabuti kung sino ang pangahas na pumasok sa cabin. Napansin din niyang tumitila na ang ulan sa labas at nabawasan na din ang mga pagkulog at pagkidlat.

"Jesus Christ! Thank God you're safe baby!!!" At biglang yumakap ito sa kanya.

"Jazon!?" Sa kabila ng gulat ay nakahinga siya ng maluwag sa kaalamang hindi naman pala masamang tao ang gumising sa kanya.

"Bat ka ba lumabas ng bahay?" Puno ng pag-aalalang tanong nito matapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "S-sorry basa nga pala ako." Hinging paumanhin pa nito.

"No. I should be the one saying sorry here Jazon. Nabasa ka ng ulan dahil sakin. I'm sorry I left the house kanina. Masiyado kasi akong na mesmerized sa ganda ng lugar nato and I didn't expect na aabutan ako ulan so I ended up here in your... cabin? I guess..."

Tumingin muna ito sa kabuuan niya bago muling nagsalita. Napalitan din ng paghanga ang pag-aalala sa mukha nito. Tumikhim muna ito bago nagsalita muli.

"Next time bring your cellphone with you anywhere you'll go. Para in case, I can easily get to you."
Napangiti siya sa sinabi ng fiancé. Nahimigan kasi niya ang labis na pag-aalala sa boses nito.

"Copy that, Sir" sumaludo pa siya rito para alisin na rin ang tensiyon niya dahil hindi pa rin inaalis ni Jazon ang tingin sa kabuuan niya.

"You look so sexy with my shirt by the way." Namula agad ang kanyang pisngi sa hayagang saad nito. Wala din talagang preno ang bibig nito minsan. She saw lust and desire in his stares. Kaya iniabot niya na lang rito ang ginamit na tuwalya kanina para umiwas sa mga titig nitong nakakatunaw.

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now