The Call-4

2.7K 92 2
                                    

Author's POV

"Don't forget to submit the financial report first thing in the morning, Alex. And I want a hard copy of that on my table. Alright, sige. Pwede ka ng umuwi pagkatapos niyan. A'right bye." Kausap ni Benjamin Sy sa kanyang secretary through phone.

"Ano ba dad... We're having dinner na o. Trabaho pa din yang inaatupag niyo. Eat first Dad ok." Malumanay na sabi ni Margaux sa kanyang ama. Their having dinner already while her dad's phone rang at may ilang minuto na rin ito sa pakikipag-usap. Workaholic kasi talaga ang ama niya. Her dad is a self made billionaire. Kaya nga yumaman sila ng husto dahil na rin sa napakasipag nito. And he admire his father for that.

Hindi niya namana ang pagiging dedicated nito sa trabaho. Kaya kailangan niya talagang makapag-asawa ng katulad nito ng mind set. And the perfect candidate for that is none other than Jazon Herrera Chan. Now, her fiancé.

Pero minsan hindi niya maiwasang mairita sa kanyang ama dahil sa mga ganitong pagkakataon.

"Siyanga naman, sweetheart. Pinag-overtime mo pa si Alex, kawawa naman. Set aside your phone muna, sweetheart. Tapusin mo muna dinner natin." Saad ng Mommy niya sa malumanay din na boses.

"Pinagtulungan na naman nila 'ko." Kunwaring angal ni Benjamin. "Ayoko lang matulad sa nangyari kina Renato five years ago."

"Why dad? What happened po ba?" Singit ni Margaux sa sinasabi ng ama. Wala siyang alam dahil halos kakarating lang niya from China that time. Doon kasi niya piniling mag college to take the course of Business Management. Wala lang. Trip niya lang talaga doon mag-aral.

Business Ad graduate siya at Magna cumlaude pa nga. Kaya lang talaga wala pa siyang gana na sumabak giyera ng business world. Hindi rin kasi biro ang mga hahawakan niyang business kung sakali. Hotels, sikat na mga fast food chains at mamahaling restaurants ang kailangan niyang i-manage 'pag nagkataon. Kaya nga todo suporta ang mga ito sa pang-aakit niya kay Jazon dahil alam nilang matutulungan sila nito sa pamamahala. Lalo pa't sister company nila ang HCFC.

"Masyadong kasi siyang nakampante sa mga kasama niyang namamalakad sa kompanya niya." Sagot ni Benjamin. At nagpatuloy pa. "And worst nakuha pa siyang traydurin ng sarili niyang kapatid. Na-ospital pa si Tito Renato mo dahil don. Good thing hindi masyadong naapektuhan ang kompanya nila dahil well established din naman sila. Of course with the help of his son, Jazon. Kaya nga bilib na bilib ako sa batang yon. Biruin mo kahit nagluluksa siya sa pagkamatay ng girlfriend niya that time nakuha pa din niya maayos ang gusot na ginawa ng sira-ulong si Redentor." Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain pagkabanggit ng ama sa ex-girlfriend ni Jazon.
"That's why kinukunsinti kita anak sa kabaliwan mo diyan kay Jazon mo. I know you're in good hands." Napangiti si Margaux sa pahayag ng kanyang ama.

"Ahm dad ano palang nangyari don sa kapatid ni Tito Renato? I didn't know na may kapatid pala siyang evil kasi sa pagkaka kilala ko kay Tito Renato, he's really a gentle person. Opposite nga sila ni Jazon eh."

"Maybe kay Redentor nagmana si Jazon." Biro ng kanyang ama. "And as for that bastard Redentor, gusto sana siya ipakulong nuon ni Jazon pero hindi pumayag ang Tito Renato mo. Ayaw kasi niyang lumala pa ang gulo paniguradong pagkakaguluhan kasi sila ng media pag nagkataon. Magugulo lang lalo ang pamilya nila. Kaya yun, pinarusahan na lang siya na tanggalan ng karapatan sa kahit anong may kaugnayan sa kompanya nila. Eventually nag sorry na din naman si Redentor, anak. Inamin niyang nasulsulan lang siya ng bruha niyang asawa."

"Social climber kasi yun, 'nak." Singit naman ni Catherine, ang mommy niya.

"A-ahm sabi niyo po namatay yung gf ni Jazon? Ahm ano po kinamatay?." Tanong niya kahit alam niya na ang sagot.

"Namatay si Andrea sa sunog. Nasa Russia yun nangyari. Nakakaawa nga si Jazon noon hija." Mommy niya ang sumagot at sinenyasang kumain muna ang asawa. "Hindi nga siya agad nakapunta sa burol. He settled their company muna kasi before flying to Moscow. Kaya yun, abo na lang ni Andrea ang pinagluksaan niya."

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now