The End?-16

2.7K 98 1
                                    

Laking pasalamat ni Margaux na umalis si Jazon papuntang Japan kaya malaya niyang magagawa ang imbestigasyon niya tungkol kay Andrea.

Wala naman siyang planong isekreto kay Jazon ang mga malalaman kung sakali. Kakalap lang muna siya ng matibay na ebidensiya para ipamukha sa asawa ang ginawang kalokohan ng ex girlfriend nito. Baka sa pamamagitan non ay sa wakas makuha na rin siyang mahalin ng asawa kung malalaman nitong nagpanggap lang na patay si Andrea sa kung ano mang kadahilanan nito.

Nagpasama na lang siya kunwari sa family driver nila Jazon at nagdahilang kailangan niyang magpacheck up.

Hindi na kasi umalis ang driver sa mansiyon nila at sigurado siyang inutusan ito ni Jazon na bantayan siya.

Agad namang tumalima ang driver ng umakto pa siyang nahihilo kunwari at inalalayan na siyang papasok sa sasakyan. Habang nasa daan ay naalala niyang kailangan niya nga palang bumili ng bagong cellphone. Kaya bago dumeretso sa hospital ay dumaan muna sila sa isang gadget store at bumili ng bagong cellphone. Pinaset up niya na rin ang biniling cell phone sa salesman na nag-assist sa kanya. Kakailanganin niya yon mamaya s hospital...

NANG makarating sa QMC ay agad siyang dumeretso sa kung saan naroon ang kwarto ni Allyson.

Pagtapat niya sa may pintuan ay huminga muna siya ng malalim bago marahang kumatok. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang bagong cellphone niya na kanina pa nasa kanyang kamay. I can do this. Kumbinsi niya sa sarili at marahan na bumuga ng hangin.

Bumukas ang pintuan sa kanyang harapan at sumungaw ang lalaking asul ang mga mata. Bahagya pa siyang natulala dahil napaka gwapo ng lalaking nagbukas ng pintuan sa kanya.

"Yes?" tanong nito sa kanya at niluwangan ang bukas ng pintuan dahilan para makita niya ang kabuuan nito.

Damn! Greek God ba ang kaharap ko?

Hindi niya tuloy maiwasang maikumpara ito kay Jazon.

Gwapo si Jazon pero iba ang taglay na kagwapuhan ng taong nasa harapan niya ngayon. Kung tao pa nga ba ito... At mukhang mas matangkad ito sa asawa niya.

Napansin din niyang napaka-neat nito manamit na parang Doctor din. Nakapaloob ang white long sleeve polo nito sa suot na pantalon na hapit sa mga hita nito.

Gosh! Hindi lang pala ang asawa ko ang nag-iisang yummy sa Pilipinas.

Napakurap-kurap siya sa naisip at agad na ibinalik ang tingin sa lalaking mukhang naiinip na sa sagot niya. She cleared her throat first and talk to the man in front of her.

"A-ahm is this the room of Miss Allyson Ivonzky?" Kinakabahang tanong niya. Hindi na nakuhang sumagot ng lalaki dahil may sumingit na pamilyar na boses sa kanila.
Nanigas siya ng maalala kung saan niya narinig ang boses na yon.

"Sev, honey? Sino yang naghahanap kay Aeris?" At lumitaw sa kanyang harapan ang nag-mamay ari ng pamilyar na boses na yun.

Kulang ang salitang gulat sa nakita niyang ekpresyon sa mukha ng babae pagkakita sa kanya. At doon niya nga nakurpirma na tama ang mga hinala niya. Buhay si Andrea!

Marahil ay alam na nitong siya ang asawa ni Jazon na pinagtataguan nito ng limang taon at nagpanggap pang patay na.

"Andie? Honey are you ok?" Tanong ng lalaki na tinawag nito sa pangalang Sev kanina. And wait--- they calling each other honey? Mabilis ang mga mata niyang dumako sa palasingsingan ng mga ito.

Pinigilan niyang manlaki ang mga mata ng makita niyang parehong may suot na wedding ring ang mga kaharap.

May asawa na rin siya!

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now