Aurora-5

2.6K 78 0
                                    

Author's POV

From the helipad of H-C Tower in Makati, lumipad si Jazon at Margaux papuntang Dingalan, Aurora using H-C private helicopter. Makaraan kasi siyang sunduin ni Jazon sa kanilang bahay gaya ng sinabi nito ng nagdaang gabi ay dito na sila dumeretso.

Nagtaka pa nga siya kanina kung bakit duon siya dinala ng fiancé because she already assumed na magdi-date sila. Pero naalala niyang 30 minutes bago siya nito sinundo kanina ay tumawag ulit ito at sinabing mag empake siya ng damit for a three days. Kaya nangarag siya ng bongga sa paghahagilap ng mga pwede niyang dalhin. Hindi naman kasi nito sinabi kung saan sila pupunta. Nagkaroon lang siya ng idea ng dumiretso sila sa rooftop at bumungad sa kanila ang naka ready na helicopter. "My new toy" sabi lang nito sa kanya at iginiya na siya pasakay sa doon. Nanlaki pa ang mata niya ng umupo ito sa pilot's seat. "You're a pilot..." Lang ang tangi niyang nasabi sa pagkabigla.


SOBRANG namangha si Margaux ng malamang isa din palang licensed pilot si Jazon.
Lalo tuloy lumakas ang dating ni Jazon para sa kanya. Napaka gwapo nitong piloto. Ang sarap sa mata nitong panuorin habang ginagawa ang mga SOP sa paglipad.

Habang nasa ere ay nagkkwento ang lalaki kung paano ito nagsimulang matuto sa pagpapalipad at iba pa nitong karanasan habang nasa ere. . Mas lalo tuloy siyang nainlove sa fiancé niya.

Ayon dito nabili nito ang helicopter sa kompanya ng kaibigan nitong Aircraft Manufacturer. Ang kaibigan din umano nito ang umengganyo dito sa pagpapalipad ng helicopter. Kalaunan daw ay naging hobby na nito ang pagpapalipad. Pantanggal stress din daw.

Lagpas isang oras din ang kanilang paglipad sa ere ng makarating sila sa isang private property na malapit sa tabing dagat. Sobrang ganda ng kapaligiran. Habang nasa ere kasi sila at malapit ng bumaba ay tanaw niya ang kabuuan ng lugar. May hawig kasi ang lugar sa ilang tourist spot sa Batanes. Kaya daw tinawag itong Batanes of the East. This place is breathtaking!. Kaya paglapag ng sinasakyan nila ay agad siya bumaba at dinama ang sariwang hangin sa paligid.

"This place is paradise,Jazon!!" Hindi niya mapigilang pahayag. Her beautiful brown eyes is twinkling in so much happiness and her arms are wide open.

"I know right." Pagyayabang ni Jazon na nangingiti sa reaksyion ni Margaux.

"I assumed this place is yours." Muling sabi ni Margaux na hindi mawala wala ang kasiyahan sa mga nakikita sabay baling ng tingin sa bandang dulo ng property.

Mayroong private villa na nakatayo doon sa isang elevated na lugar na kung titignan ay parang burol. Pero ayon kay Jazon ay man-made lang ito at sadyang tinaasan lang kung sakaling lumalaki ang mga alon. May seawalls naman na nakapalibot sa area pero mas mabuti na din daw ang naninigurado.

"I bought this property six years ago from my cousin's father. Ipangreregalo ko sana ito kay Andrea." Jazon sighed heavily after he said that. Her mood changed in an instant. Nakita na naman kasi niya ang kakaibang lungkot sa mukha ng kasama.

Dinala mo lang ba ko dito para pag-usapan ang ex mo? Ako nga ang kasama mo pero iba naman ang nasa puso't isip mo. Kausap niya dito sa kanyang isip.

"Hmm sakin mo na lang iregalo kung ganon." She don't want to quit the fun kaya biniro na lang niya ito. Kahit na sumama rin ang loob niya sa kanyang narinig. Bahagya naman itong nangiti sa biro niya pero hindi naman abot sa mga mata nito.

Martir na kung martir pero mahal na mahal niya ito. Matagal na siyang nagpapakahirap sa panunuyo dito ngayon pa ba siya susuko kung kelan tanaw na niya ang pag-asa?

Makalipas ang ilang sandali ay may lumabas na may katandaang babae mula sa loob ng bahay. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito at may nakahandang ngiti sa mga labi. Pamilyar sa kanya ang babae.

VICTIMS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon