PROLOGUE

166 31 40
                                    

Andito kami ngayon sa garden, siguro secret garden kasi wala masyadong tao.

"Ang ganda dito, Gabby" namamanghang sambit ko saka patuloy sa paglinga sa paligid. Ang ganda talaga. Maraming mga makukulay na bulaklak, berdeng-berde ang damuhan. Matatayog ang mga puno, at preskong-presko ang hangin. Rinig ko ang mga humuhuning ibon na mas nagpaganda sa paligid

"Mas maganda ka," iyon lamang ang itinugon niya pero nagwawala na ang buong sistema ko.

"Tigilan mo nga 'yang kababanat mo,"

"Bakit naman? Ayaw mo?" tugon niya at kahit nakatalikod ako sa'kanya, batid kong nakanguso siya. Tsk tsk, not the typical Gabby I used to know.

"Cheesy kasi eh," pang-aasar ko.

"Anong cheesy ka jan? Kinikilig ka naman,"

"Hindi kaya," tanggi ko.

"Sus, hindi daw" pamimilit niya. Gosh! Feeling ko pulang-pula ako ngayon.

"Hindi nga!" napipikon na talaga ako.

"Sige, sabi mo eh"

"Bahala ka nga!" asik ko at aalis na sana pero nahawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"I was just joking. Pikon ka na agad." natatawa siyang umiling-iling.

"Ikaw kasi eh--" may sasabihin pa sana ako pero naputol iyon nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit!

"A-anong ginagawa mo?" nauutal na sabi ko. Sinubukan kong kumalas pero mas hinigpitan niya ang yakap.

"Please, lets just stay like this for a while." mahinang aniya.

"Gabby.." i tried to utter his name, but I can't.

"Please, kahit ngayon lang," he begged. I hugged him back.

"Anong ginawa mo sa'kin?" i was a bit confused by his question.

"Ha? Wala naman, bakit?"

"I'm so inlove with you, and I can't help it." he said in a very soft voice. I felt my heartbeat went faster and faster. I was trying to stop it, but seems like it got worse.

I tried to stop myself from falling inlove with this man.

But I failed.

And I can't deny it.

Yes.

I love him.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

             This is a work of fiction.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now