Chapter 18 Explanation

113 18 0
                                    

Chapter 18: Explanations

"May gusto ka ba kay Yuri?" Taejin asked.

Nagulat ako sa tanong niya.

"A-ano bang sinasabi mo?" Nauutal kong sabi.

He just looked at me with a serious face, he's scary.

He sighs, "Never mind, bumalik na tayo, its already 5:00 pm. Kailangan makauwi tayo ng maaga, just in case na may mangyari."

Agad na kaming bumalik at hinanap sila Axel.

Nang makabalik na kami bigla akong pinalo ni Axel sa balikat, "Saan ka ba galing? Kala ko umuwi ka mag isa eh." Patawa niyang sabi.

"Kuya Ryujin, okay ka lang? Hindi ba maganda pakiramdam mo?" Mikael asked. Halata ba itsura ko?

I shook my head, "Wala-wala, ayos lang ako."

Lumingon lingon ako ngunit wala sila Yuri at Taejin.

Saan sila pumunta?
__________________________________________

Yuri's POV:

"Huh?"

Bigla na lang akong nagulat nang hinila na lang ako basta-basta palayo sa bench kung saan kami nakatambay nila Axel.

Dinala niya ako sa harap ng carousel.

"Bakit mo ako hinihila at anong ginagawa natin dito? Bumalik na tayo baka hanapin nila tayo—" Babalik na sana ng bigla niya akong hinarangan.

"Mamaya na." He said, biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Huh? Pero—"

"Ang sabi ko mamaya na." He said. Mukhang naiinis na siya ngayon.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nang magkatabi na kami, mapapansin na ang tangkad niya. Ngayong magkalapit na kami sa isa't isa, iba na ang nararamdaman ko...

Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Bigla siyang bumulong sa tainga ko, "Sa tingin mo, bakit kita dinala dito?" Bigla akong tumigil.

Nanatili lang siya sa puwesto niya, nararamdaman ko ang hininga niya sa bandang tainga ko. Nang marinig ko siyang magsalita, ang sarap pakinggan ang boses niya pag bumubulong.

"H-hindi ko alam, bumalik na tayo baka—"

Itutulak ko sana siya ng bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko at nilagay niya ito sa kaliwang dibdib niya.

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ngayon alam mo na, kung bakit kita dinala dito. Kahit hindi ko sabihin ang salita na 'yun alam kong alam mo kung ano ang gusto kong sabihin."

Kunti-kunti niyang binitawan ang kamay ko at naglakad paalis. Pero bago makalayo, bigla siyang humarap, "Bumalik na tayo, hinihintay na nila tayo." Then he winked at me.

Bigla akong namumula, at mas lalong lumalakas tibok ng puso ko.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Isang linggo palang ang nakakalipas, hindi dapat ako magpauto at mahulog sa kaniya.
______________________________________
____

Ryujin's POV:

Mayamaya bumalik na si Taejin, kasama si Yuri. Pero nakakapagtaka, anong ginawa nila? Haist, nevermind.

"Well guys, I hope na naging masaya kayo, kasi ako ang saya ko talaga. Pero it's time to go home." Axel said, halata naman sa mukha niya na negenjoy siya kahit matatapos na.

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now