Chapter 30 New Trouble

62 11 0
                                    

Ryujin's POV:

Hindi naman sa nagulat pero nagtaka kami ni Axel kung bakit nasa ganyan silang posisyon.

"Kuya? ...anong ginagawa mo? At sino siya?"

Halata sa mukha ni Taejin ang kaba, hindi siya makapag salita.

"Uh-ano, m-mali kayo ng iniisip!" He stutterdly said.

Axel nodded, "Yes, sana nga nagkakamali lang kami ng iniisip."

Agad tumayo si Taejin, "Gusto mong masapak!?" Panghahamon ni Taejin kay Axel, halatang hiyang hiya si Taejin.

Agad kong tinignan yung babae, "Ang gulo ng buhok niya ah, nagsabunutan ba kayo, kuya?" I asked. For some reason natatawa ako kapag inisip ko ang nangyari.

Hindi makapagsalita si Taejin, ano bang nangyari—tahimik nito, lagi nalang.

"Ayos ka lang?" I asked the girl.

Agad naman siyang tumayo, "Oo, pasensya na sa nagawa ko, nadala lang ng emosyon." She apologized.

"Anong nadala ng emosyon?! Kapal mo ah!"

Susugod sana si kuya pero napigilan ito ni Axel, "Pre, kalma! Kalma, chill, bro."

"Ano ba!?" I shouted, agad naman silang nanahimik, "Ano bang nangyari at bakit kumukulo ang dugo mo sa kanya?"

Agad lumingon si Taejin sa ibang direksyon, ayaw niya akong sagutin—Edi 'wag!

Biglang sumingit yung babae, "Ayos lang, wala siyang kasalanan. Sorry—ang mahalaga naibalik na yung wallet ko." She said.

"Sino ka?" Axel asked the girl.

"Elisha—nice to meet you. Transfer ako sa school niyo at dito ang classroom ko." Then Elisha lifted her hand for a handshake.

I accepted the handshake, "Nice to meet you, dito rin ang klase namin. By the way—ano bang meron sa wallet mo?"

"Lah, buang ka? Siyempre pera!" Axel said.

Yes, I know may pera, iba ang tinatanong ko.

"Nandito kasi yung mga litrato ng magulang ko, kaya ganun na lang kahalaga yung wallet na 'to sa akin." She said.

"Pasensya na sa itatanong ko pero... Patay na ba sila?" Axel asked.

Elisha shook her head, "Hindi, sadyang mahalaga lang talaga sa akin yung wallet na 'to." She said.

Axel: "..."

"Puwede ka nang umupo, and nice meeting you." I said.

Agad naman siyang umupo na sa kanyang upuan. Nakaupo siya sa bandang dulo ng classroom.

Agad ko namang nilingon si Taejin, "Ninakaw mo yung wallet niya? Siraulo ka ba?" I asked Taejin, he must be out of his mind.

"Binangga niya ako eh, at saka nagawa ko lang naman yun kasi mainit ulo ko nung gabing yun." He said pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Pero bakit kailangan niyo mag—patungan? Required ba yun?" Pang aasar ni Axel.

Agad naman lumapit si Taejin kay Axel, "Onti na lang masasapak na talaga kita."

" 'Wag ka ngang pikon, ikaw na nga yung may ginawang mali eh." I said.

"Bahala kayo diyan." Taejin said, binangga niya kaming dalawa ni Axel at bumalik sa upuan niya, naiinis pa rin siya sa nangyari.

"Umupo na lang tayo, nangangalay na ako eh." Axel said.

Agad na kaming umupo sa upuan namin.

Ang awkward, napakatahimik ng classroom, walang nagsasalita. It's nice but scary at the same time.

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now