Chapter 21 Finding the suspect

86 17 0
                                    

~Monday~

Well, after the middle exam of the first semester, me and my dad spend the whole weekend training to improve my ability. It went pretty well... nagimprove ako kahit papaano—I think. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa magiging result ng middle exam ko.

I checked my phone—its 5:11 am, tumayo na ako at agad nang naligo.

Habang naliligo ako naisip ko nanaman ang nangyari sa storage room. Masyadong matalino yung suspect, hindi man lamang namin siya nakitang lumabas. Maybe there's a secret a passage?—I don't know.

Nagbihis na ako agad at naglakad na papasok sa school. Hindi na ako kumain dahil bibili na lang ako sa cafeteria malapit sa school.

Habang naglalakad papuntang cafeteria may nabangga akong tao, "—Agh!"

"Sorry! Hindi ko sinasadya, nagmamadali lang ata siguro ako." Agad na akong nag sorry.

Lumingon siya sa akin and it turns out—it was Mikael!

He tried to smile,  "Ayos lang, ikaw pala yan, Ryujin!" Napansin kong luminga linga siya sa paligid at pagod na pagod. And he's trying to catch his breath.

Bakit ganyan ang itsura ni Mikael, parang may sinusundan ata siyang tao.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka naman dito nakatira diba?" I asked.

Agad siyang lumingon kung saan siya nakatingin kanina, "Wala na siya..." Mikael said.

'Siya'? What?

"Ha? Bakit?" I asked in confusion.

Agad siyang tumingin sa akin, "May sinusundan kasi akong lalaki kanina. Naka white siyang hoodie, naka black na face mask. May sinusundan siyang babae na nagaaral din sa Sapphire Academy." He said.

Mikael seems suspicious of what he saw kaya sinundan niya ang dalawa kung sakaling may mangyari.

Wait—white hoodie!? Kung papatay man siya ng tao, kailangan hindi siya mapaghinalaan. Maybe—!

May narealize si Mikael noong naalala niya yung nangyari sa storage room.

"...Maybe nagwhite hoodie siya para hindi siya mapaghinalaan na murderer siya...?" He said, lumalalim yung boses niya pag seryoso.

"Bro, wag naman masyadong mapang husga, paano mo naman nasabi na papatayin niya yung babae?" I asked. It seems so ridiculous kapag paghihinalaan natin na murderer lahat.

Mikael clenched his fist, "Kanina niya pa sinusundan yung babae! Kanina pa!" He said.

I was shocked!

Hinawakan ko ang magkabikang balikat niya, "Hindi mo kailangan magalit okay—!"

"AGHHHHH!!!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang nakarinig ako ng sigaw ng babae.

"Sabi ko na siya yun eh!" Agad nang tumakbo si Mikael dahil nakita niya yung lalaki na naka white na hoodie na kakalabas pa lamang sa eskinita.

"Mikael, sandali!" I shouted at him pero hindi niya ako pinansin. Agad kong itinigil ang oras. Nag lakad ako kung saan ko narinig yung sigaw.

Hindi maganda ang nakita ang ko.

There was a dead body lying on the floor. Punong puno ng laslas yung leeg. Hindi lang sa leeg, kundi sa buong katawan din. Dugong dugo ang buong paligid.

The murderer is a total serial killer at makalat siya pumatay!

Agad kong nireverse ang oras kung saan mangyayari palang ang krimen.

Time's Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon