Chapter 37 Resurrection

57 11 0
                                    

Axel's POV:

Tamang tama lang ang dating nila, pero mali pa rin yung ginawa namin ni Mikael—hindi namin sinabi sa kanya ang plano namin.

"Paano na kaya kung hindi kami dumating?—edi sana nahampaska na sa ulo. Hindi ka ba puwedeng maging bobo, Axel." Taejin said, halatang nang aasar pa nga.

"Hindi mangyayari 'yun, salamat. Baka puwede mo na kaming pakawalan dito." I said.

Agad na kaming pinakawalan ni Taejin, "Salamat—sorry din kasi naging pasaway kami." Mikael said.

"Wala 'yun, basta ang importante ngayon si Ryujin." Taejin said while gritting his teeth.

Paano?

"Paano? Napaka tibay ng experiment pod na yan, at saka marami ring tubig sa loob." I said.

Maaring kumalat ang tubig pero dahil malaki at malawak naman ang lugar—hindi naman babaha.

Taejin smirked, "Kung kinakailangan ng basagan, edi basagan!" Taejin said, gusto niya talaga lagi ng bakbakan no?

Ryujin, kaya mo 'yan, malapit ka na naming maligtas.
-----------------------------------------------------------------
Kang Shin Rei's POV:

Pagkatapos kong masapak si Xenon, agad siyang tumayo, "Hindi ka pa rin nagbabago Shin Rei, maduga ka pa rin kalaban." Xenon complained while wiping blood from his mouth.

"Kahit kailan hindi ako naging madugas sayo, Xenon. Tandaan mo 'yan." Nakakagigil ka talaga kahit nung mga bata pa tayo.

"'Yang kapangyarihan mo ang dahilan kung bakit ka nakakalaban sa akin! Kung wala kang kapangyarihan, wala ka ring silbi!" Xenon yelled at me.

Ahh ganon.

I smirked, "Bakit hindi tayo maglaban, hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko at hindi mo rin gagamitin ang kadugaan mo."

Xenon smirked, "Sige, matagal ko nang pinapangarap na durugin ka sa patas na labanan."

Tinitigan niya ako at tinitigan ko rin siya—alam kong una siyang susugod sa akin.

Both of us made a fighting stance. Inihanda ko ang mga kamao ko at tinitigan ko nang maigi ang buong katawan niya.

Mayamaya ay nagsimula nang tumakbo si Xenon—pasugod sa akin. Tinaas niya ang kamao niya—as expected! Palapit na sa mukha ko, sasapakin na niya ako ngunit hindi tumama ang kamao niya sa mukha ko."Tsk!" Galit ni Xenon. Buti na lang at nakailag ako.

I bent my leg and went to his stomach for a knee strike. "Argh!—"

Napaatras siya dahil sa sakit.

Nandidilim ang mga mata ko sa galit. I curled my finger and gestured, meaning—'come at me'

Bigla siyang nainis at sumugod ulit siya sa akin. Xenon raised his leg and kicked me. I raised my arm on my left side and defended. Sinasadyang atakihin ni Xenon ang mukha ko—ang ulo ko.

Agad kong hinawakan ang paa ni Xenon, hinila ko lahat ng bigat ng katawan niya pataas at pinaikot. Nawalan ng balansya ni Xenon at tuluyan nang bumagsak sa lupa.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Xenon. Napaka hina mo paring makipaglaban. Partida, wala na akong ginagamit na kapangyarihan."

Mas nainis pa siya nang sinabi ko ang mga salita na 'yun.
-----------------------------------------------------------------
Taejin's POV:

Wala akong mahanap na puwedeng makabasag sa napakalaking test tube na 'to kung saan ang nasa loob ay si Ryujin.

"Haah... Wala akong mahanap." Hingal na hingal na sabi ni Axel.

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now