Chapter 35 World of Time

69 10 0
                                    

World of Time? Nakikita ko ang mga talaan ng bawat pangyayari sa bawat oras, mga anekdota ng mga importanteng senaryo ng buhay ng bawat tao, mabilis itong nagpapakita sa mga orasan na nasa paligin namin.

Nakakamangha.

Talagang namatay na nga ako.

"Nakakagulat ba?" Nakatingin sa akin na tanong ni God of Time.

I nodded, "Yeah, totoo 'to diba?" Hindi pa rin ako makapaniwala eh, paniginip lang ba 'to? Sana nga...

"Mukha bang hindi? Sige, may ipapakita ako sa'yo." Nakangisi niyang sinabi, bakit parang kinakabahan ako?

God of Time snapped his fingers, may biglang lumabas na isang malaking orasan sa harapan namin, orasan na nakapangalan sa'kin. Nagpapakita ito ng isang pangyayari tungkol sa akin na–

"Hoy!" Nakaramdam ako ng hiya at pakiramdam ko ay namumula na rin ang mga pisngi ko, "Ano yan?! Bakit may ganyan ako?!"

Pinakita ba naman sa akin yung time na naliligo ako! Araw ata 'to nung exam ah!

"Naniniwala ka na? Kung hindi pa marami pa akong-"

"Oo na! Naniniwala na ako! Huwag mo lang ipakita yan!"

Tumawa na lamang si God of Time nang marinig niya ang sagot ko, bago mawala ang orasan na nakapangalan sa akin.

Nakakahiya, so lahat? Recorded?! Wait, lahat?

"Bakit ba ako nandito?" Gusto ko lang malaman.

"Kasi patay ka na."  Wow, meganon?

Nagtanong pa rin ako, "Dito talaga? Hindi ba dapat sa langit ako mapupunta?"

Natawa ulit siya, aba, siraulo 'tong diyos na 'to nagtatanong ako eh–

"Kailan ka pa naging asyumero? Banal ka ba?" Nginisian niya ako.

Ayy, sorry po.

"Bakit nga muna ako nandito?" Pangalawang tanong na 'to, masasapak ko na ito, kanina pa ako nagtatanong–

–Ay diyos nga pala siya.

"Gusto ko muna ipakita sa 'yo ang mga nangyayari sa lupa." And with another snap of his fingers, another large clock appeared.

Lumitaw ang lahat ng kaibigan ko pati na rin si Dad sa salamin ng orasan. Parang screen, may TV. Eto ata laging pinapanood ni God of Time eh.

Siguro hindi siya nananawa kakanood, dami ba namang TV oh! Welcome sa Afterlife Channel!

Dad and Taejin are planning para sugurin si Xenon, si Axel ay hindi mapakali at kanina pa ako tinatawagan, sorry bro, hindi man lang ako nakapag paalam. Napabuntong hininga na lang ako.

Si Yuri na walang kaalam alam sa nangyayari, nag-aaral lang sa bahay. Sipag pa rin. Napangiti ako nang makita siya.

Si Dexter na nagtatrabaho na kay Dad, kung ano-anong techie na bagay ang ginagawa sa mga kompyuter. Jusko, big brain.

Wait, may kulang.

"Stop."

Lumingon siya sa akin, "Why?"

Pinagmasdan ko nang maigi ang mga pangyayari. Nasaan si Mikael?

"Puwede ko bang malaman kung nasaan si Mikael?" Nagtanong akong maayos, baka bawal eh.

Pinagbigyan niya ako at nilipat ang mga pangyayari sa lugar kung nasaan si Mikael, ayun! Huli kang bata ka!

Bakit siya nasa cafeteria? Anong ginagawa niya diyan?

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now