Chapter 40/Final Chapter S.Y End Festival

146 15 2
                                    

[February 8, 2020]

"President! Okay na po yung fireworks." Sabi sa akin ng secretary ng klase, Mikael.

" 'Wag mo nga akong tawagin na president! Nakakahiya!" I said.

Tinawanan niya lamang ako, "Ryujin, sabi sa akin ng kabilang classroom, payag daw sila makipag tulungan para sa mga designs." Axel said.

Busy kami ngayon sa paghahanda dahil malapit na ang S. Y. End festival, marami kaming naisip kaya bigay todo kami para magawa lahat ng yun.

Ang balak ng ibang classroom ay magtatayo ng stall na magbebenta ng mga pagkain o magpalaro, ang iba naman ay maglalagay ng pailaw. Kami naman ay sa fireworks, designs, at theme ng Festival.

Marami silang naimungkahi, tulad ng billboard na paglalagyan ng mga picture. Halimbawa, puwedeng picture niyo nung pasko, kasama ang pamilya o kaibigan.

Naisip kong theme ay Fantasy, pumayag sila sa desisyon ko na gumawa kami ng malaking orasan.

Bakit orasan? Kasi tumatanda na tayo. Ang iba ay gustong balikan ang mga masasayang araw nila, ang iba naman ay ayaw pa nilang matapos ang mga masasayang araw nila. Gusto pa nila ma-enjoy ang mga natitirang oras.

"Ryujin, 'on progress' na yung orasan na pinapagawa mo, saan mo naman ilalagay yun?" Taejin asked.

"Sa taas ng school, isasabit, kita ng lahat." I said.

"Nice. Pupunta lang ako sa kabilang classroom para humingi ng update sa designs." Taejin replied.

I nodded, "Sige."

Habang nag-aayos ako, naalala ko na Valentines na pala sa 14th. Ano kaya puwedeng ibigay kay Yuri?

....

[Uwian]

I sighed, "Kapagod."

" 'Dun ka muna sa bahay ko, ang dami mo kasing dala, kasya naman yan sa bahay." Axel said.

Paano ba naman, dala dala ko yung 'on progress' na orasan, may ipa pa akong dala dala, ang dami. Buti na lang at nagkasya sa kotse ni Axel lahat.

Nakakapagod—pero masaya, kasi nag eeffort ka at na-appreciate nila yun.

"Kumusta?"

"Kumusta ang ano?" Axel asked as he was confused.

I smirked, "Kumusta pang i-stalk mo kay Raiza?" I asked.

Bigla siyang namula, "Hindi ko siya ini-stalk!" Axel shouted.

I laughed, "Gumalaw ka na kasi, mamaya maagawan ka pa eh." I said.

"...Oo na."

Nang makarating na kami sa bahay ni Axel, siya na nagbuhat lahat ng gamit ko—sorry, pre.

Agad na akong pumasok sa bahay ni Axel.

Nang nakita ko na yung sofa, bumagsak at humiga na ako, "Ahh, sarap matulog." I said.

"Hindi ka puwedeng matulog, may gagawin pa tayo mamaya. Ako na lang magluluto ng ramen para makakain ka na." Axel said while tapping my face.

"Bilisan mo! Baka makatulog na ako dito."

[...]

"Oy, kakain na!" Axel shouted, agad na niyang binaba ang kaldero na puno ng ramen sa lamesa.

Nang maamoy ko ang ramen nawala ang antok ko, "Okay, kakain na ako."

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang agawan si Axel, "Hoy, ano ba! Kumain ka nga ng maayos, walang aagaw sayo, sakto 'to para sa ating dalawa!" He scolded me while eating. Agad na rin niyang kinuha ang hati niya.

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now