Chapter Eleven

8.8K 337 52
                                    

Blaze's pov



Nakatigil kami ngayon sa may gas station. Yung mga kasamahan ko bumaba maliban sa'kin at kay Behatti na nakasandal sa may bintana. Natutulog ata.

"Babe! Halika, bili tayo snacks. " Rinig kong yaya ni Valerie mula sa labas. I cringe.

"Go ahead, I'll stay here. Pakidamihan yung snacks and drinks, please. " Utos ko sa kaniya para meron kaming snacks ni Behatti.

Sa totoo lang nag papalandi lang ako sa kaniya para ma distract kay Behatti. Hindi ko padin kasi maiwaksi ang pag uusap namin nila Alex tungkol kay Behatti at sa nararamdaman ko.

Kahit aminin ko na nahuhulog na ako sa kaniya, alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan. Nakikita niya lang ako as Blake, nothing more. Ang swerte naman ng Blake na yun. Hindi siya makalimutan ni Behatti.

Haish.

Behatti groan kaya napatingin ako sa kaniya. Nauntog ata siya sa bintana pag sandal niya. Napatawa ako ng mahina para hindi siya magising. Lumipat ako sa tabi niya at inalalayan ang ulo niya papunta sa lap ko. Hinubad ko din ang jacket ko at ikinumot ito sa kaniya. Sumandal ako at nilaro laro ang buhok niya.

Maya maya ay nakabalik na ulit sila sa sasakyan. Nakataas ang kilay ni Valerie ng makita niyang nakahiga si Behatti sa lap ko.

"Hey Beh--"

"Shhh! " Saway ko dito at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa balikat ni Behatti. Balak niya sigurong gisingin.

"Eh bakit kasi siya nakahiga sa'yo?! " Irita nitong tanong. Tinakpan ko naman ang bunganga niya.

"Wag ka nga maingay. " Saway ko dito at sinamaan siya ng tingin.

"Bebe ni Behatti, snacks ng bebe mo oh. " Saad ni Jerry mula sa harapan namin at inabot sa'kin ang supot na may lamang pag kain.

"Thanks Jerry. " Pasalamat ko at inabot ang supot mula sa kaniya.

"No problem Bebe ni Behatti. " Napangiti nalang ko.

Hihihi, bebe daw ako ni Behatti.

"Bebe ni what? " Iritang tanong ni Valerie.

"Bebe ni Behatti daw. " Ngisi kong tugon sa kaniya.

"Tsk, bakit yun ang tawag niya sayo? "

Omg! Ang slow ng babaeng 'to. Napairap ako sa kaniya.

"Girlfriend ko kasi si Behatti. " Sagot ko sa kaniya para matigil na siya.

"What!? Are you kidding me!? " Hindi makapaniwala niyang tanong. Sa sobrang lakas ng boses niya muntik nang magising si Behatti.

"Sabi ng wag kang maingay eh. " Sita ko dito. She roll her eyes.

"May girlfriend ka na pala eh bakit mo pa ako hinalikan? "

"Fyi! Ikaw po ang humalik at hindi ako tumugon. " Sagot ko at ibinaling nalang ang tingin ko sa natutulog na si Behatti.

"Behatti is my girlfriend. " Mahina kong bulong. Haish, how I wish it was real.

"Yeah, I know sinabi mo na kanina diba. " Iritang sabat ng nasa tabi ko.

"I'm not talking to you, stupid. " Sagot ko.

"Ikaw ang stupid. Hayop. " Inis nitong tugon.

"Tsk, path--"

"Hindi ba kayo titigil? Ang ingay niyo. " Putol sa'kin ng malambing na tinig ng babaeng may yelong personalidad. Hahaha, nakakatawa noh. Ang lambing ng boses niya pero ang lamig ng pag katao niya.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon