Chapter Forty One

5.1K 177 37
                                    

LAST PART OF THE FLASHBACK



******


Sabay napalingon ang dalawa ng may tumawag sa kanilang pangalan. Parehas silang namutla at nag layo.

"Ate Blake.." Bulong ni Blaze at sinipat ang walang emosyon na si Blake.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Behatti sa dating kasintahan.

Tumawa naman si Blake at pagewang gewang na lumapit sa kanila. Muntik na itong matumba buti nalang at naalalayan ito ni Blaze.

"Are you drunk?" Tanong ni Blaze sa kapatid.

"Behatti..I just want to talk." Turan nito. Ignoring Blaze's question.

"I won't talk to you not until you're sober Blake. " Tugon ni Behatti sa lasing na si Blake.

"Come on. Lets get you home." Akay ni Blaze sa kapatid kahit masama parin ang loob niya dito.

"Nooo.." Blake protests and shrugs Blaze's hands on her shoulder.

"I need to talk to you." Hilong hilo na nitong saad at nag lakad palapit kay Behatti ng pagewang gewang.

"Okay, okay. Lets talk on the way home.." Sabi ni Behatti at siya na ang umakay kay Blake. Kinagat naman ni Blaze ang labi niya para pigilan ng selos ng yumakap si Blake sa bewang ni Behatti.

"Blaze.." Pukaw ni Behatti kay Blaze na halos mag karoon na ng butas ang kamay ni Blake dahil sa tindi ng pag kakatutok niya.

"Yeah! Tara na." Tanging sagot niya at nauna sa kotse.

Nilagay nila si Blake sa passenger seat. Nasa shotgun seat si Behatti dahil si Blaze ang mag dadrive.

Nag simula na si Blaze paandarin ang kotse. Tahimik silang lahat at nag papakiramdaman. Nakasandal si Blake at nakatulala sa kawalan, pulang pula ang mukha nito at pupungay pungay ang mata.

"Sa resthouse mo ako i-diretso." Rinig ni Blaze na utos ng kapatid niya. Gusto man niyang tumanggi at ihatid ito sa bahay ng Tita niya kung saan ito tumutuloy ay ayaw naman niyang suwayin ang utos ng kapatid.

"Okay.." Tanging tugon ni Blaze sa kapatid. Napasulyap si Blaze sa tahimik na si Behatti. Nakasandal ang ulo nito sa bintana at hilot hilot ang kaniyang sintido.

Ngumiti siya at tila nakalimutang may kasama silang iba. Marahan niyang inabot ang kamay ni Behatti habang naka pokus ang tingin sa daan. Binawi naman ito ni Behatti at umiling iling sa kaniya. Sumenyas ito sa likod na pinapahiwatig na andoon si Blake. Napakagat ng labi si Blaze dahil sa sarili niyang katangahan.

"It's okay. I already know you two cheated behind my back." Turan ng kapatid kaya't bumilis ang tibok ng puso ni Behatti at Blaze sa kaba.

"H-huh?" Maang maangang tanong ni Behatti.

"Nakita ko kayong nag hahalikan kanina. Lasing man ako pero hindi ako bulag." Patuloy ni Blake at dineretso ang paningin sa unahan.

Namamawis na ang kamay ni Blaze sa kaba at muntik na niyang mabitawan ang manibela nung lumiko sila papunta sa resthouse. Hinawakan ni Behatti ang braso ni Blaze at hinaplos haplos ito para pakalmahin ang dalaga.

"So tell me.. kailan niyo planong sabihin sa'kin ang pang gagago niyo sa'kin?" Tanong ni Blake at nag palipat lipat ang tingin sa dalawa.

"Hindi ka namin ginago Blake. Wala na tayo." Tugon ni Behatti. Tumawa naman ng mapakla si Blake.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon