Chapter Thirty Five

5K 168 35
                                    

CONTINUATION OF FLASHBACK.


*****


Masayang kumakain ang apat sa kanilang tambayan. Nag yaya kasi si Blake ng double date dahil nasaktong wala siyang trabaho ngayon at gusto niyang bumawi sa kapatid at kasintahan.

"Gusto niyo ng wine?" Tanong ni Blake sa kasamahan.

"Yes please.." Sagot ni Behatti sa kasintahan. Nginitian siya ng kapares at binigyan ng wine.

"Ako din Ate." Sabat ni Blaze kaya napatingin sa kaniya ang tatlo at tumawa.

"You can't drink yet." Natatawang sagot ni Blake sa bunso.

"Here, mag waffles kana lang. Favorite mo yan diba." Turan ni Behatti at inabutan ng waffles ang naka simangot na si Blaze.

"Babe.. Kiss mo nalang ako para matikman mo yung wine sa labi ko." Pang lalandi ni Choleen sa kasintahan. Namula naman si Blaze at kagat labing yumuko. Natawa ang kapatid niyang si Blake at si Choleen. Samantalang nanatiling tahimik si Behatti at pilit ngiting nakatingin sa kaharap niyang mag kasintahan.

"You okay babe?" Tanong ni Blake sa kasintahan.

"Yup!" Tugon ni Behatti kay Blake na pilit pinapasigla ang boses. Hindi niya alam kung bakit nawala ang mood niya.

"Baka nahihilo na si Ate Hatti. Namumula na din siya oh, wag mo nang bigyan ng wine Ate Blake." Nag aalalang turan ni Blaze sa kapatid. Mas lalong namula si Behatti ng mapatitig ang inosenteng mga mata ni Blaze sa kaniya.

"Hmm..naka dalawa palang siya. Hindi ko alam na madali siyang malasing." Sagot ni Blake sa kapatid at nag kibit balikat.

"Yah, madali siyang malasing ate Blake. Mahina ang alcohol tolerance ni Ate Hatti." Turan ni Blaze. Tumango tango naman si Blake sa kaniya at binalingan ang kasintahan.

"Sorry love.." Pag hingi nito ng paumanhin.

"It's okay." Nakangiting sagot ni Behatti sa kasintahan.

"Sana all." Sabat ni Choleen at nag salin ng wine. Akmang iinumin na niya ito ng kinuha ni Blake ang baso mula sa kaniya.

"Mahina din ang alcohol tolerance mo kaya tama na sayo ang tatlo." Saway ni Blake kay Choleen. Nag katitigan ang dalawa at parang nag uusap gamit ang mata.

Tumikhim si Behatti kaya't sabay napaiwas ng tingin si Blake at Choleen.

"Buti pa si Choleen alam mong mahina ang alcohol tolerance." Inosenteng komento ni Blaze. Blake glare at her.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito sa bunsong kapatid.

"Huh? Wala." Sagot ni Blaze at nag tatakang tiningnan ang mga kasamahan niyang nakatingin sa kaniya.

"May nasabi ba akong mali?" Kinakabahan nitong tanong.

"Nope.. Wala baby Blazey." Tugon ni Behatti sa inosenteng si Blaze at nginitian ito. Pasimple niyang sinulyapan si Blake na nakatingin sa kapatid nito.

"I'm sorry Ate Blake if I said something wrong. I didn't know." Malungkot na saad ni Blaze sa kapatid. Agad naman tumayo si Blake at nilapitan ang bunso.

"Don't say sorry baby. Wala lang sa mood si Ate. Okay.." Malumanay nitong turan sa kapatid at niyakap ito. Naka subsob ang mukha ni Blaze sa dibdib ng kapatid. Hinalikan ni Blake ang tuktok ng ulo ni Blaze. Nang mag angat siya ng tingin ay bumungad ang malanding ngiti ni Choleen sa kaniya.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon