Chapter Eighteen

7.2K 263 41
                                    

Blaze's pov




Nag sasayaw sayaw ako sa harap ng lababo habang nag huhugas ng pinggan na pinag kainan ko.

"Let's kill this love! Yeah, yeah, yeah! Rampapampapampapam!!~~" Pag sabay ko pa sa kanta at inaksyon yung sayaw ng blackpink pag chorus.

"Aba't good mood ka ata ah."

"Ayy panget!" Gulat kong saad at napahawak pa sa dibdib ko ang kamay kong may sabon.

"Maka panget ka sa'kin wagas! Parang wala tayong pinag samahan ah." Reklamo ng panget na si Alexandra. Nilingon ko siya at nginitian ng matamis.

"Hala! Shuta anong ginawa mo kay Blaze!? Lumabas ka masamang espirito!"

"Gago! Tumigil tigil ka, wag mong sinisira mood ko." Saad ko at pinakita ang kamao ko sa kaniya.

"Ohh, anyare nanaman sa inyong dalawa at nag babangayan nanama kayo?" Tanong ng kakapasok lang na si Mama.

"Si Alexandra kasi Ma oohh, kinukulit ako. Nananahimik akong nag huhugas dito ng plato." Sumbong ko kay Mama at ngumuso.

"Ehh kasi naman Tita panay sayaw at kanta niya, kala mo naman malambot ang katawan at maganda ang boss. Para namang kambing na kinakatay." Pang aasar niya pero imbes na magalit ako ay napangiti ako. Naalala ko kasi si Behatti, yun din sinabi niya sa'kin nung nasa horror train kami.

"Hala Tita! Sinasapian nga ohh! Ngumingiti bigla!" Napa irap naman ako kay Alex. Ipinorma pa niyang cross ang daliri niya. Baliin ko daliri niya eh.

"Bakit nga ba parang ang saya ata ng prinsesa namin?" Naka ngiting tanong ni Mama. Napangiti naman ako ng malawak.

"Kasi Ma--"

"Malanding prinsesa na prinsesa din ang gusto." Putol ng kakapasok lang na si Chase kasunod si Hillary at Papa.

"Ang kapal ng muka nyong laitin ako sa pamamahay ko."

"Pamamahay mo? Hala,hindi ako nainform." Singit ni Hillary at nginitian ako.

"Tsk! Mag si alis na nga lang kayo, nag huhugas ng ayos yung tao dito ginugulo niyo." Maktol ko. Tinawanan lang naman nila ako.

"Kanina kapa kayang nag huhugas, kala mo ang dami mong hinugasan eh isang plato at baso lang naman." Puna ni Alex kaya inirapan ko siya.

"May kutsara din kaya." Sagot ko na ikinatawa ni Mama at Papa.

"Ayy siya wag nyo nang pakialaman at baka mag bago ang mood niyan. Sobrang saya pa naman niyan." Saway ni Papa sa kanila. Napangiti naman ako at nilagay na ang plato kong tapos ng hugasan sa platohan.

"Oo nga! Wag niyong sirain para hanggang mamaya maganda parin ang mood ko. "

"Bakit nga kasi maganda ang mood mo? Share mo naman baka gumanda din mood namin. " Tanong ni Hillary na nag hahakungkay nanaman ng pag kain sa ref namin. Haish, ang kakapal talaga ng mga muka netoh.

"Ayoko nga I-share baka ma viral, tsaka teka, wala ba kayong bahay? Inuubos nyo lang stock namin eh. " Sita ko kay Hillary at Chase na nag sisimula ng lumamon ng brownies na binili ni Mama.

"Hayaan mo sila Blaze, mga patay gutom yan. " Tatawa tawang pang aasar ni Alex at nakipag apir sa akin.

"Kung maka patay gutom ka Alexandra kala mo hindi niya inubos yung salad kanina. " Ismid ni Hillary kay Alexandra na alanganing tumawa at ngumiti sa'kin.

"Isa ka rin pala eh! May pa apir apir kapang kupal ka."

"Mga bata tama na ang bangayan, mag si upo nalang kayo sa sala ng maka pag handa na ako ng merienda." Saway samin ni Mama. Nag ningning naman ang mata ng tatlo at nag unahan sa sala.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon