Chapter Fifty Three

5.3K 184 10
                                    

Blaze's pov



"Ilang araw mong hindi nakita?" Tanong sa'kin ni Chase habang nag lalakad kami papunta sa Mcdonalds dahil doon kami kakain ng lunch nila Alex.

Yung dalawa ay susunod nalang dahil hindi pa nila dismissal.

"Mag iisang linggo na simula nung nag team building kami. Nung bumalik siya kinamusta lang ako saglit tapos umalis na din, busy kasi daw sa office eh." Sagot ko at bumuntong hininga.

"Nag text ba sayo or tumatawag? Na try mo puntahan sa opisina niya?" Tumango tango ako sa kaniya.

"Sinisilip ko pag napunta ako kay Behatti. Lagi naman siyang wala doon." Tugon ko at binuksan ang glass door ng Mcdo para pumasok.

"Eh sinubukan mo bang pumunta sa bahay niya?" Pumila kami at nilingon ko siya ng bahagya.

"I did Chase. Wala din siya doon, actually kaninang umaga dinaanan ko siya, sabi nung maid niya hindi daw umuwi simula kagabi."

Napakunot naman ang noo ni Chase.

"Then where is she?" I shrug at him.

"Baka sobrang busy lang talaga. It's okay though, I just need to talk to her about something." Buntong hininga ko nalang na sagot. Balak ko kasing kausapin si Choleen at itigil kung ano man ang ugnayan naming dalawa dahil ayoko siyang masaktan at umasa na may nararamdaman pa ako sa kaniya.

Aminin ko man or hindi pero wala na talaga akong nararamdaman na kahit ano kay Choleen. Parang pag gising ko bigla nalang nawala, yung parang nasanay na ako na lagi siyang wala. Yung parang wala na akong pakealam kung nasaan man siya or kung anong ginagawa niya. I don't miss her ethier.

"Anong pag uusapan niyo? " Pakiki usyoso ni Chase.

"Basta, sa amin na lang yun. Kalalaki nitong tao ang chismoso." Naiiling kong turan dito. Napapout naman siya kala niya bagay, mukha siyang kabibe.

"Order na din tayo ng para kila Alex para pag dating nila kakain nalang." Suggestion ni Chase at tinanguan ko lang siya.

Turn na namin at si Chase ang umorder para sa aming apat. Ako dapat yung oorder pero cute daw yung cashier kaya hinayaan ko nalang siyang mag pa-cute kahit hindi naman bagay.

"Yup! Thank you. Here's my number incase you want to have some good time." Rinig kong saad ng kupal at may pakindat pa siya sa cashier bago kuhanin ang order namin at sabay kaming nag hanap ng upuan.

"She's really cute, did you see her? " Saad nito ng maka upo kami at kala mo'y nag haheart heart yung mata.

"Hmm.. Yeah, I guess." Sagot ko nalang at kumuha ng fries bago i-dip sa gravy at isubo iyon.

"Anong I guess eh ang cute naman talaga. Bulag ka ba?" Medyo naiirita na nitong tanong sa'kin. Sinimangutan ko naman siya.

"Hindi ako bulag sadyang hindi lang ako na cutetan."

"Hmm..how about that woman? Ang hot niya ohh." Saad nito at may itinuro sa likod ko. Nilingon ko at pinasadahan ito ng tingin bago nag kibit balikat at hinarap ulit si Chase.

"Pake ko?" Turan ko dito at kumuha ng fries at sinawsaw sa gravy bago isubo.

"Pake ko, pake ko kapang nalalaman mantalang dati halos mabali na ulo mo at tumulo na laway mo pag may nakikita kang chicks." Ismid nito sa'kin na ikinataas ng kilay ko.

"Talaga? Tumutulo ang laway ko sa ibang babae? Pshh.. Sa pag kaka alam ko kay Choleen lang ako nag kakaganun dati." Sagot ko na ikinangisi naman niya kaya mas lalo akong nairita.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon