Chapter Fifty Eight

6.7K 222 26
                                    

Blaze's pov



"Blaze! Stop stressing! Dadating nga yun, intay lang okay!" Iritang saad ni Hillary habang pinipilit akong paupuin sa harap ng salamin para matapos ang pag aayos sa buhok ko.

"Eh paano pag nag bago isip niya? Pag na realize niya na ayaw na niyang ma--"

"Sshhh..Hindi mag babago isip nun okay? Wag kang masyadong mag isip ng negative. " Saway nito sakin at sinenyasan yung hair stylist na ayusin yung buhok ko.

"Paano nga lang ka--"

"Patay na patay yun sayo, lakas ng apog mong kupal ka eh." Sabat ni Alex at inirapan ako.

"Paano nga lang diba! " Napipikon kong turan dito.

"Alam mo Blaze sisipot si Behatti okay? Wag kang mag isip ng kung ano ano dude, ako ang naiistress sayo." Singit ni Chase at nginitian ako.

Bumuntong hininga naman ako at hinayaang matapos sa pag aayos yung hair stylist sa buhok ko. Nang matapos itong mag ayos ay pinasuot niya na sa'kin yung gown at ni retouch ng konti yung make up ko.

"Wooow. You look so gorgeous babe!" Puri ni Hillary na nakabihis na din. Nag bihis ata sila nung nag bibihis din ako.

Inikutan naman ako ni Chase at tsaka ngumiti.

"Hmm..not bad." Sagot nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Not bad mo mukha mo. Hahaha, walang not. Bad lang talaga." Pang aasar naman ni Alex kaya sinamaan siya ng tingin nila Hillary.

"Ikaw tumahimik ka ha, pakain ko 'tong bulaklak sayo eh." Inis na tugon ni Hillary sa Kj na si Alex.

"Hahaha, joke lang..pero seyoso na Dude. Ang ganda mo, hindi ka na mukhang baliw na nakatakas sa mental." Tumawa siya kaya napatawa naman kami kasi nakaka hawa ang pang tawa niya.

"I'm so happy for you my Blazeyy.." Naluluhang saad ni Hillary.

"Hindi ko aakalaing mas una kapang ikakasal sa'kin eh ikaw ang pinaka maharot sa ating apat." Turan nito na nag paluha sa mata ko.

"Dati rati k--"

"~~Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat~~" Pag kanta ni Alex na may namumuo na ding luha sa mata.

"Sasapakin na kita Alexandra." Pikong saad ni Hillary.

"Ang drama nyo kasi eh. Nasisira make up ko." Tugon nito at may luha na ngang lumandas sa pisnge niya.

"Pero seryoso na dude! Masaya ako para sa inyo ni future wife mo. Wag na wag mo na yung sasaktan ha. At pag sinaktan mo yun kami nang tatlo ang papatay sayo." Pag babanta nito.

"Wow ha, kaninong kaibigan ba kayo? Sa'kin or kay Behatti?" Tanong ko at nag punas ng luhang tumulo.

"Syempre sayo pero mas mahal namin si Behatti eh. Kupal ka kasi." Biro ni Chase na pilit pinipigilan ang luha niya.

"Oo, hindi ko siya sasaktan. Nahiya naman ako sa inyo."

"Basta dude! Andito lang kami lagi wag mo kaming kakalimutan ha, pag may irereto ka tawagan mo kami agad." Tatawa tawang saad ni Alex.

"Oo ba. Malakas kayo sa'kin eh!" Lumapit sila sa'kin at niyakap ako.

"Mahal na mahal ka namin dude. Kahit nakaka leche ka. Biruin mo ang daming gamot na pinainom sayo tapos laglag lang pala ng hagdan ang katapat mo!" Napatawa naman kaming lahat kay Alex.

"Mahal na mahal ko din kayo." Sagot ko at hinigpitan ang pag kakayakap sa kanila. Mamimiss ko ang mga kupal na 'to kahit alam kong andyan lang sila.

Hindi na kasi kami makaka pag bonding lagi dahil mas uunahin ko na ang asawa ko at ang pag aaral kong natigil dahil sa kabaliwan kong taglay.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon