Chapter Fifty One

5.3K 195 9
                                    

Behatti's pov



Kagat kagat ko ang ibabang labi ko sa pag kainis dahil nireport sa'kin ng investigators na nawawala daw ang evidence na gagamit ko sa court trial next week.

"Paanong nawala yun!? Kakasauli ko lang nun sa inyo kahapon tapos ngayon sasabihin mo sa aking nawala!? Anong gagamitin ko ngayong ebedensya sa korte? Imagination ko!?" Sigaw ko sa tatanga tangang si Henry sa harap ko.

"Atty. Villafuerte hindi naman namin alam na mawawala yun eh. Iningatan naman po namin iyon." Pangangatwiran nito.

"Iningatan? Kung iningatan niyo asan na!? Imaginary ba yung lecheng folder na yun at hindi ko makita!?" Naiirita ko nang sigaw at napahilot sa ulo habang nag pabalik balik ng lakad sa loob ng opisina ko.

"Hahanapin nalang po namin Atty. Hindi po kami titigil hangga't hindi nakikita yun." Sabat ni Jake. Tiningnan ko siya ng matalim.

"Aba'y dapat lang dahil pag hindi yun nakita bago mag court trial, ako mismo ang mag tatanggal sa trabaho niyo!" Sigaw ko kaya napaigtad naman sila.

"Now get out my Goddamn office!" Huli kong saad bago sila tinalikuran at pabagsak na naupo sa couch.

"Arrrrggghhhh! Fuck this life!" Sigaw ko at pinag hahampas hampas ang unan bago ito itinaklob sa mukha ko.

"Ohh? Anyare sayo at para kang batang nag tatantrums diyan?" Inalis ko ang unan na nakataklob sa mukha ko at tinaasan ng kilay ang nag salita.

"Daga kung wala kang magandang sasabihin umalis kana lang dahil wala ako sa mood makipag biruan sayo." Malamig kong turan dito. Napa ismid naman ito at umupo sa tabi ko.

"Hindi parin ba nila nakikita?"

"Hindi ba obvious?" Pang babara ko dito at bumuntong hininga.

"Alam mo feeling ko hindi lang yan ang problema mo eh. Hindi ka naman ganyan ka stress dati nung nawala din yung file na gagamitin mo sa korte." Saad nito.

"Wala akong ibang proble--"

"Si Blaze dumaan dito kanina." Putol niya sa sinasabi ko kaya mabilis ko siyang nilingon.

"Talaga? Anong sabi? Okay lang ba daw siya? May nang--"

"Hep hep hep!! Isa isa lang!" Awat niya sa'kin. Bumuntong hininga naman ako.

"So ano nga? Okay lang ba siya?" Nag cross arms naman siya sa tanong ko.

"Bakit ganyan tanong mo? Hindi ba kayo nag kakausap or nag kikita?" Tanong niya na nag pabalik nanaman ng kirot sa aking dibdib.

Halos isang linggo na ng may mangyari sa'kin at simula ng araw na yun hindi na siya nag paparamdam. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot, pinupuntahan ko siya sa school niya pero hindi ko na siya naabutan.

Iniiwasan na niya ako..

Alam ko naman na mangyayari to pag ginawa namin iyon dahil alam kong pag sisisihan niya ang nangyari. At ito na nga, dumating na nga ang kinakatakotan ko.

"Ahm...nag uusap pero busy kasi siya kaya hindi ko nakakamusta." Palusot ko kay Jerry at umiwas ng tingin.

Hinawakan naman niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya.

"Do you know that I am an Attorney too?" Nakangisi nitong tanong na ikinatango ko.

"Good, so you can't lie to me." Saad nito at binitiwan ang mukha ko.

"Tsk! Blaze and I are not talking to each other, okay!? She's ignoring me. I think she regrets sleeping with me last week." Irita ko nanamang sagot at bumuntong hininga.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon