Chapter Fifty Nine

7.8K 216 15
                                    

Blaze's pov



Masayang nag sasayawan ang mga bisita sa dance floor pag katapos naming mag sayaw ng Misis ko kanina. Nakaupo na kami ngayon at nag papasalamat nalang sa mga bumabati samin at nag bibigay ng regalo.

"Thank you so much po." Pasasalamat ko sa kumare ni Tita na dumalo din ng kasal namin.

"You know wifey, I didn't know smiling can be this tiring.." Mahina kong bulong kay Behatti at humagikgik. Tiningnan niya naman ako at nginitian ng bahagya.

"I agree babylove. My cheeks are hurting too." Reklamo niya din na nag patawa saming dalawa.

"Hey love birds! Congratz.." Pag lapit samin nila Chase at nag abot ng regalo nila.

"Anong katarantaduhan nanaman kaya ang nilagay niyo dito?" Taas kilay kong tanong at inalog alog yung regalo nila na hugis kahon.

"Grabeh ka hindi naman kami ganun kasama sayo." Bungisngis ni Hillary at siniko si Alex na naka tulala nanaman sa kung saan. Sinundan namin ang tingin niya at nakita naming papalapit ang nakangiting si Tiarra samin.

"Hey Mrs. Villafuerte, congrats." Bati nito at niyakap ako at si Behatti kahit hindi naman niya masyadong kilala.

"Mamimiss ko na ang pag iyak mo at pag hila mo sa kumot ko. Hahaha." Saad nito kaya na weweirduhan siyang tiningnan ng barkada ko habang tinaasan naman siya ng kilay ni Behatti.

"Hahaha, me too Tiarra. But don't worry malay mo maka sleep over ulit ako minsan pag nag away kami ni misis." Pabiro kong saad at ibinulong pa ang last part.

Nawala ang ngiti ko ng salubongin ako ng nag babagang tingin ni Behatti kaya napatikom ang bibig ko.

"Joke lang yun Misis ko. Syempre sa sala ako matutulog pag nag away tayo..hehe." Kakamot kamot sa ulo kong saad.

"Yeah at sisimulan mo na siya mamaya." Malamig nitong turan na nag paawang sa bibig ko.

"Bawal! Honeymoon natin eh. Madaya 'to!" Pag tatantrums ko na siyang ikinaikot ng kaniyang mata.

"Yan kasi kaharutan mo Blaze." Tatawa tawang asar ni Tiarra kaya napalabi ako.

"Guys siya nga pala si Tiarra Violet Duffner. Sa kaniya ako nakituloy nung umalis ako." Pag papakilala ko. Nag wave naman si Tiarra sa kanila at ngumiti.

"Duffner? Hmm..sounds familiar.." Kunot noo na saad ni Hillary. Nanlalaki naman ang mata ni Tiarra.

"Ahm! I-I'll go ah--"

"I'm Alex.." Biglang putol ni Alex kay Tiarra at hinawakan ang kamay nito kaya hindi naka alis si Tiarra.

"Tiarra!" Biglang tawag ng kung sino kaya napalingon kami dito. Mag kasalubong ang dalawang kilay ng babaeng may berdeng mata habang papalapit ito samin.

Hinapit niya sa bewang si Tiarra at tiningnan ang kamay ni Alex na nakahawak kay Tiarra.

"Let go of her hands Miss Mckenelly." Malamig nitong turan na kahit ako'y napalunok sa takot. Agad namang napabitaw si Alex.

"Sorry Miss Agenta." Pag hingi ng paumanhin ni Alex.

Hmm..mukhang taken na si Tiarra.

"Hi Miss Agenta, are you enjoying the food?" Pag kuha ko sa atensyon nito dahil baka mapatay na niya sa tingin si Alex.

"It was great Blaze. Congratz nga pala, you look stunning." Tugon nito at bahagyang ngumiti.

"Not as stunning as you." Turan ko at kinindatan siya. Tumawa naman siya ng mahina.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon