Chapter Twenty Six

6.5K 252 16
                                    

Blaze's pov



"Andyan na si Behatti sa baba anak. Bilisan mo. " Tawag sa'kin ni Mama mula sa labas ng pinto ko.

"Pababa na po!" Sigaw ko at nag madaling ayusin ang suot kong polo. Nakangiti ako habang pinag mamasdan ang sarili sa salamin. Nag pabango ako at binuksan ang pinto. Sumimangot ako at patuloy na bumaba.

Kita kong nakikipag kwentuhan siya kila Mama at Papa. Gusto ko mang ngumiti dahil sa ganda niya ay pinigilan ko ang sarili ko. I need to show her na galit ako sa kaniya. Gusto ko pa siyang pahirapan ng konti.

"Goodmorning Babi." Nakangiting bati nito sa'kin. Hindi ko siya sinagot at nag mano na kila Mama at Papa.

"Alis na po kami." Paalam ko.

"Mag iingat ha." Paalala ni Mama bago pa kami makalabas ng pinto.

Nag lakad ako papunta sa kotse niya at inunahan siyang sumakay. May naupuan akong kung ano kaya kinuha ko iyon at tiningnan. It's a flower, a red rose. Inamoy ko iyon at napangiti pero agad ding sumimangot ng pumasok na si Behatti.

Nakasimangot siya.

Alam kong hindi siya sanay manuyo pero heto parin siya at nag papaka kumbaba para lang suyuin ako. Lumingon siya sa'kin ng mapansin niyang hawak hawak ko ang bulaklak.

"Do you like it?" She asked with a small smile on her lips and her eyes full of hope.

"I do. It's lovely, thank you." I said and gave her a sincere smile. Napangiti naman siya ng todo at pinaandar na ang sasakyan papunta sa school ko.

"Wala ka bang duty? " Basag ko sa katahimikan para hindi maging awkward nanaman ang byahe.

"Meron. Pero nag sabi na ako na malelate ako." Nakangiti parin nitong sagot.

"Araw araw mong sinasabi sa kanila na malelate ka?" Pang uusisa ko.

"Hmm..yipz! Alam ko kasing mabagal kang kumilos eh." Sagot nito at sinulyapan ako. I roll my eyes.

"I did that on purpose." Sagot ko nalang. I heard her laugh and I look away to hide my smile.

I miss her laugh. It's been a while since I last heard it.

"Ang sabihin mo kaya ka natatagalan kasi halos isang oras kapang nakatingin sa salamin."

"Pffftt! Hindi ko naman kasalanan na inlove ako sa sarili ko. Ang ganda ko kaya." I said and snort at her.

"Hahaha, yeah. Gandang ganda ka sa sarili mo eh. Dapat na ba akong mag selos dahil inlove kana sa sarili mo?" Pabiro nitong tanong.

"Tsk. Magselos ka kung gusto mo. Hindi ako gandang ganda sa sarili ko ah, sadyang maganda lang talaga ko. I can't help it." Pag mamayabang ko and flip my hair.

"Okay. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin basta ikasasaya mo." Pang aasar nito kaya nilingon ko siya ng nakasimangot.

"Sinasabi mo bang hindi ka nagagandahan sa'kin?"

"May sinabi ba ako? At tsaka wala namang magandang laging nakasimangot. Palangiti kaya dapat yun pag maganda. Nag mumukha kang si Grumpy sa dwarf ni Snow white eh." Pang aasar pa nito at tumawa.

"Bakit ikaw? Nakasimangot ka naman palagi ah." Balik pang aasar ko. She glance at me and smile.

"Are you telling me that I'm beautiful Miss Lopez?" Nawala ang pag ka simangot ko at ramdam ko na uminit ang pisnge ko.

"Hoy wala akong sinabi!" I said and raise my hands in defence.

"You've been caught. Anything you say or do may be used against you." She replied and smile cheekily.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon