Chapter Twenty Eight

6.9K 229 21
                                    

Behatti's pov



"Malayo pa ba tayo?" Ungot nang katabi kong babae habang kagat kagat ang chocolate niya.

"Malayo layo pa po kamahalan ko. Pwede po bang mag relax ka lang. Masyado kang mainipin eh." Saad ko at pinisil ang ilong niya.

Hinampas naman niya ang kamay ko at sinimangutan ako.

"Kanina pa kasi akong naiihi at nagugutom at tsaka kanina padin nakatingin yung lecheng lalaking yun sayo. Ang sarap tusukin nung mata!" Irita nitong sagot at tiningnan ng matalim yung lalaki sa may tapat ng upuan namin.

Nakasakay kami ng bus dahil papunta kaming batanggas. Mag babakasyon kaming dalawa ng tatlong araw dahil naka kuha ako ng promo doon sa resort na pupuntahan namin at pwedeng mag sama ng isa. Nilubos lubos ko na ang opportunity na ito para makasama siya at maka bawi man lang sa pananakit ko sa kaniya.

"Gusto mo bang palit tayo ng upuan para hindi niya ako matingnan?" I ask her amused. Para kasi itong papatay ng tao dahil sa pag titig niya sa lalaki.

"Aba'y syempre! Gustong gusto mo namang tinitingnan ka nung lalaki eh! Ganyan ba mga type mo? Yung may malalaki ang mata!" Irita nitong tugon sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

Simula ng araw na umamin ako sa kaniya na mahal ko siya ay umandar ang pag ka selosa nito. Na doble pa ata ang pagiging selosa niya. Napailing nalang ako at natatawa sa kaniya. Nag palit kami ng upuan kaya andito na ako sa may bintana at siya doon sa tapat nung lalaki.

"Feel better now baby?" Tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ako at hinapit ang mukha ko bago siilin ng halik.

The kiss last for a few minutes bago niya pakawalan ang labi ko at ngumiti sa akin.

"Much better!" She grinned at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. I wrapped my arms around her and pull her closer to me.

"Ilang araw nga ulit tayo doon?" Tanong niya.

"Tatlong araw babe." Sagot ko at pinag masdan ang mga nadadaanan namin.

"Hmm..sayang kala ko isang buwan tayo doon eh. Parang honey moon."

"Honey moon ka diyan. Hindi mo pa nga ako sinasagot ulit eh.. Tsaka dalawang linggo lang po ang sembreak mo. May pasok kana next next week kaya di tayo pwede mag stay ng matagal doon."

"Pano kita sasagutin eh hindi ka pa nga nag tatanong!? At tsaka kaylangan pa ba yun? Nabutas mo na nga ako diba, ilang beses na." Bulgar na sagot nito na ikinainit ng pisnge ko. Luminga linga ako kung may ibang naka rinig.

"Blaze! Gaga ka, wag ka ngang mag salita ng tungkol doon. Baka may makarinig sayo. Bastos toh!" Sita ko sa kaniya. Nilingon niya ako at nginisihan ng pilya.

"Eh ano naman kung marinig nila? It's not like we're having sex here." Pangangatwiran nito na mas lalong ikinapula ko. Tinaasan ko siya kilay.

"Shut up or else hindi ka makaka score sa'kin sa loob ng tatlong araw na mag kasama tayo." Pag babanta ko at nag smirk sa kaniya. Her grin turn into a frown at inirapan ako.

Napailing nalang ako habang may ngiti sa labi.

The whole ride ay natulog lang si Blaze habang ako naman nakatitig lang sa kaniya. I smile, hinding hindi ako mag sasawang titigan lang siya kahit gaano katagal.

Nakarating na kami at ginising ko siya para bumaba ng bus. Pupungay pungay ang mata niya habang naka pout ang labi.

'Ang cute niya talaga. '

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon