Chapter Sixteen

7.8K 279 30
                                    

Blaze's pov



Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nag tuturo turo si Behatti sa mga rides na gusto niyang sakyan. Dinala ko siya dito sa peryahan.

"Gusto ko din sumakay doon. " Nakangiti kong saad at hinila siya papunta sa rides na gusto niyang sakyan.

Ride all you can ang ticket na binili ko kaya lahat ng gusto niya ay pwede naming sakyan.

Sa horror train kami unang sumakay. Aaminin ko, natatakot akong sumakay sa horror train kasi matatakutin ako pero hindi ko matanggihan yung mukha ni Behatti na nag niningning habang hawak ang kamay ko.

Naka pila na kami at ready na sa pag pasok.

"Okay ka lang? Nanlalamig kamay mo. " Tanong niya sa'kin. Alanganin akong ngumiti.

"Yup! Malamig lang talaga. " Pag papalusot ko. Medyo pagabi na din naman kasi.

Sumakay na kami at inayos na ni Kuya yung seatbelt namin.

Nag simula nang umandar ang train at halos mangatal na'ko sa kinauupuan ko.

"Sigurado ka bang ayos kalang? " Paninigurado ni Behatti. Tiningnan ko siya pero dahil madilim na sa loob ay hindi ko na siya maaninag.

"Opo love." Sagot ko nalang at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Ang lakas ng background sounds na nakakatakot kaya halos maihi ako sa upuan ko habang sigaw ng sigaw. Napapatago at yakap ako kay Behatti na tawa lang naman ng tawa sa tabi ko.

Naka tatlong ikot ang train bago kami pinababa. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga ng maka tapak ako sa labas ng horror train.

"Hindi ko alam na matatakutin ka pala. Sana hindi nalang tayo sumakay. " Sabi ni Behatti na nakahawak sa bewang ko.

"Ayos lang. Nag enjoy ka naman eh."

"Oo nag enjoy ako sa kaka tili mo. Para kang kambing na kinakatay. " Pang aasar nito sa akin. Inirapan ko siya.

"Saan mo pa gustong sumakay?" Tanong ko nalang para maiba ang usapan. Nag libot libot kami para mag hanap ng pwedeng masakyan.

"Diyan ohh, parang masaya." Nakangiti nitong turo doon sa may mga swan na naka lutang sa tubig.

"Pang bata ata yan eh."

"Talaga? Sige wag nalang diyan." Saad nito na medyo lumungkot yung boses.

"Ayy hindi pala. May matandang sumakay oh." Turo ko kahit wala naman akong nakitang matanda.

Sinilip niya pero hinila ko na agad siya para pumila. Nag tataka kaming tiningnan ng ibang naka pila dahil wala kaming kasamang bata. Hindi ko nalang sila pinansin. Pag katapos ipakita ang ticket namin ay pinasakay na kami.

"Sigurado ka bang pwede tayo dito?" Taas kilay na tanong ni Behatti. Luminga linga pa siya kasi puro bata ang kasama namin.

"Wala namang sinabi na bawal ang matanda eh. Sadyang maarte lang yung iba at ayaw sumakay." Pangangatwiran ko nalang. She look at me with amuse expression.

May binulong ito pero hindi abot ng pandinig ko.

"Huh?" Tanong ko pero bago pa siya maka sagot ay umandar na yung swan. Ngumiti nalang siya at sumandal sa balikat ko habang hawak hawak ang kamay ko.

Parang romantic yung dadaanan kasi merong pa cave na may pulang ilaw tapos maraming nag kalat na balloon na hugis puso tapos may mag bulaklak din na nalalag lag. Hindi ko maiwasang mapa tingin kay Behatti na naka tingala at pinag mamasdan ang pag patak ng mga bulaklak sa amin. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon