Prologue

56.9K 985 137
                                    

Hawak-hawak ni Zane ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya papunta sa condo unit na kung saan ay nandoon na raw ang mga kaibigan niya lalo na ang bestfriend niyang kakauwi lang mula sa amerika. Ngayon kasi ay ipapakilala na ako ni Zane bilang girlfriend niya sa mga kaibigan niya. Mahigit dalawang buwan rin siyang nanligaw sa akin at nakita ko naman kung paano niya ako mahalin at alagaan kaya deserve niya naman siguro ang matamis kong oo.

Sa loob ng ilang buwan ay minahal ko na rin si Zane dahil hindi lang ito gwapo kundi mabait at mabuti rin siyang tao.

"I can't wait na makilala mo na sila lalo na 'yung bestfriend kong si Yuri. Sigurado akong magugustuhan ka niya para sa akin." Nakangiting sabi ni Zane saka niya hinalikan ang isang kamay kong hawak niya.

Ngumiti naman ako bilang sagot.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa condo unit kung saan ay nandoon ang mga kaibigan ni Zane at ang bestfriend niyang tinutukoy niya. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ng condo ay kaagad namang bumukas ito at bumungad sa amin ang isang lalakeng gwapo at matangkad habang nakangiti ito kay Zane.

Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay napanganga pa siya at natulala nang makita ako.

"S-Siya ba ang girlfriend mo, Zane?" Tanong nung lalake kay Zane na sa akin pa rin nakatingin.

Ngumiti naman si Zane sa kanya at inakbayan ako. "Siya nga, Rafael. This is Eirie, my girlfriend." Pakilala sa akin ni Zane doon sa lalake.

Nang sa wakas ay natigil na rin ang pagtitig niya na ikinaiilang ko ay ngumiti ito at nakipag-kamay sa akin.

"Nice to meet you, Eirie. Ako nga pala si Rafael, kaibigan ni Zane." Pagpapakilala niya.

Tumango naman ako at nakipag kamay rin. "Nice to meet you, too."

Ngumiti naman siya. "So, pasok na tayo sa loob? Nandoon na si Yuri sa loob. Kanina pa namin kayo hinihintay." Sabi ni Rafael at kaagad kami nitong pinapasok sa loob ng condo.

Nang makapasok na kami ay kaagad kong nakita ang isang lalakeng nakaupo sa couch habang tahimik itong umiinom. Halos manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat dahil namumukhaan ko ang lalakeng iyon.

Siya 'yung lalakeng nakabungguan ko sa bookstore!

Mukhang napansin niya naman ang presensya namin dahil kaagad itong nag-angat ng tingin sa amin at nang makita niya ako ay napatitig siya sa akin ng malalim habang walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon na nanggagaling mula sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba at takot sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Hinatak ako ni Zane papunta sa pwesto ng lalakeng sa tingin ko ay si Yuri na bestfriend niya at mas lalo pa nitong hinawakan ng mahigpit ang isang kamay ko.

"Yuri, I want you to meet, Eirie. My girlfriend." Pagpapakilala sa akin ni Zane.

Hindi naman sumagot si Yuri sa sinabi ni Zane dahil nakatitig lang ito sa akin. Ilang segundo lang ay pinutol na niya ang pagtitig sa akin at itinuloy na niya ulit ang pag-inom niya.

"Good for you." Sabi nito na hindi man lang kami tinitignan.

Ang lalim rin ng boses nito na mas lalo pang nagpakaba sa sistema ko.

Ngumiti naman si Zane sa kanya saka ako nito inayang maupo sa couch.

"Ganyan talaga si Yuri, tahimik lang 'yan at bibihira lang magsalita pero alam ko namang gustong-gusto ka niya para sa akin." Bulong sa akin ni Zane at hinapit nito ang bewang ko.

Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango. Nang mapadako muli ang tingin ko kay Yuri ay nagulat nalang ako dahil nakatingin ito sa akin habang wala pa rin ekspresyon ang kanyang mukha.

Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan at natatakot sa kanya.

---
GENRE: Reverse-harem/Romance/Obsession.

WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I'm not a professional writer so please bear with me. Thank you.

This is unedited so expect the errors. I'll edit this if I have time.

Please like my Facebook page:
"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2020 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon