HSD #27

10.2K 251 36
                                    

EIRIE'S POV

Ngayon ay nandito ako sa bahay nila Sarah at ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga kaganapan na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang linggo. Habang nagkukwento ako ay tahimik lang siyang nakikinig sa akin at nang matapos na akong magkwento ay tumango lang siya.

"So, na fall out of love ka na kay Zane? I think you loved him naman pero mas matindi na nga lang 'yung nararamdaman mo para kay Yuri." Sabi niya.

"Ayon nga e, tapos ngayon pumayag pa ako sa polyamory set-up naming apat. Alam ko na isa lang ang dapat pipiliin ko sa kanila at si Yuri 'yon pero alam ko rin na masasaktan sina Zane at Rafael." Malungkot ko namang sabi.

Sarah tapped my shoulder. "Alam mo girl, hindi naman kita masisisi kung bakit ka nakipag-deal sa dalawang lalakeng 'yon pero sa tingin mo ba ay okay lang talaga sa kanila na naghahati sila sa pagmamahal at atensyon mo? Base sa mga ikwinento mo sa akin ay mukhang obsess na sila sa'yo. Hindi talaga maganda na kasama mo sila dahil alam kong in the end ay mapapahamak ka lang talaga."

I sighed. Tama ang mga sinabi ni Sarah. Lalo pa't nakita ko kung ano ang mga kayang gawin nina Zane at Rafael sa oras na kumalas na ako sa kanila. Baka ikapahamak pa ni Yuri iyon at sisisihin ko talaga ang sarili ko sa oras na mangyari iyon.

"Sarah, ano nang gagawin ko? I know that Yuri doesn't want to have this kind of situation for us. Nasasaktan siya dahil nababaling ang atensyon ko kina Zane at Rafael. I love him at hindi kakayanin ng konsensya ko na masaktan lang siya." Sabi ko na pinipigilan kong 'wag maiyak.

"Ang mabuting gawin mo is kausapin mo ng maayos sina Zane at Rafael with the help of Yuri. Sabihin mo na hindi mo talaga sila kayang mahalin. Kung hindi nila matanggap 'yon ay mas mabuti pang sabihin mo na 'to sa pamilya mo at alam kong matutulungan ka nila. Sa ginawa nilang tangkang pagpatay kay Yuri ay hindi malabong gawin nila ulit 'yon." Nag-aalalang sabi ni Sarah.

Sarah is right again. I need to end my relationship between Zane and Rafael at kung hindi maganda ang magiging resulta ng pakikipag-usap ko sa kanila ay hindi na ako magdadalawang-isip na sabihin 'to sa mga kapatid ko maging pati na rin kina Mom at Dad.

"You're right. Gagawin ko na kung ano ang makabubuti para sa amin. Thanks Sarah " I smiled na ikinangiti rin ni Sarah.

"Sus, wala 'yon. Kung si Yuri na talaga ang mahal mo ay syempre susuportahan pa rin kita pero dapat suportahan mo rin ako kay Eros, ha? Magiging sister-in-law mo ako in the future kaya 'wag mong hahayaang may ibang babaeng lumapit sa kanya kundi nako, makikita nila ang impyerno!" Pabirong sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Oo naman. Boto ako sa'yo para kay Kuya." Kinindatan ko naman si Sarah at nakipag-high five siya sa akin.

Habang nagtatawanan kami ay bigla nalang pumasok mula sa loob ng bahay ang kapatid ni Sarah na si Kuya Wendell at may kasama itong lalake. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang lalakeng kasama ni Kuya Wendell.

Nang makita kami ni Kuya Wendell ay kaagad itong lumapit sa amin at nginitian ako. Sinabi sa akin ni Sarah na may crush si Kuya Wendell sa akin pero wala naman sigurong masama doon dahil isang nakakatandang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. He's already 28 while I'm only 20 years old.

"Ganda, nandito ka pala. Ang tagal na nung huli kitang nakita, ah? Mas lalo ka pa yatang gumanda." Nakangiting sabi ni Kuya Wendell.

Mabait naman siya at sanay na ako na palagi niya akong binobola pero hindi talaga ako kumportable sa lalakeng kasama niya na nakangisi ngayon habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam na magkakilala pala sina Kuya Wendell at si Leona.

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Kuya Wendell habang si Sarah naman ay tinignan ng masama ang kuya niya.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon