HSD #18

11.6K 358 60
                                    

THIRD PERSON'S POV
Halos magwala na si Ashley dahil sa ibinalita sa kanya ng kaibigan niyang si Sandra. Nakita raw kasi nito sina Yuri at Eirie na magkasama sa mall na kumakain sa loob ng restaurant. Sa inis ni Ashley ay naibato na niya ang cellphone niya sa sahig saka ito nagpunta sa kwarto ng kapatid niyang si Rafael.

Naabutan niya ang kanyang kapatid na natutulog pa rin kahit mag-aalas onse na ng gabi. Napapansin ni Ashley na napapadalas na ang pag-iinom ni Rafael at hindi na rin ito umuuwi sa sarili nitong condo.

"Raf, wake up you douchebag!" Inis na sabi ni Ashley habang ginigising niya si Rafael na nakadapa habang natutulog at wala itong suot na pang-itaas. Tanging boxer shorts lang ang suot nito.

"Fuck! What do you want?" Tugon naman ni Rafael na tila nainis sa paggising sa kanya ni Ashley.

Napairap naman si Ashley at humalukipkip.

"So, magmumukmok ka na lang ba talaga dito sa kwarto mo at maglalasing? Hindi mo ba alam na nakita ni Sandra sina Yuri at Eirie na magkasama sa loob ng mall at kumakain pa sila sa restaurant?"

Sa sinabi ni Ashley ay tila napahinto naman si Rafael doon at kaagad niyang hinarap ang kapatid.

"Kailan niya nakitang magkasama sina Yuri at Eirie?" Tanong niya.

"She saw them the other day. Ano? Wala ka bang gagawin diyan? You like that girl, right? Girlfriend na nga siya ni Zane tapos nakikipag-date pa siya kay Yuri? What a flirt!" Tumatawang Sabi ni Ashley na may bahid pa rin ng pagkainis ang tono.

Napakunot naman ang noo ni Rafael at hinawi nito ang buhok niya. Nag-usap na sila ni Yuri tungkol kay Eirie at sinabi na rin niya sa binata na alam na ni Zane na gusto niya rin si Eirie dahil sinabi ito ng bestfriend ni Eirie.

Nagpapadyak na sa galit si Ashley at tinignan nito ng masama si Rafael.

"I don't know what you're thinking, Raf. Sana ginawa mo na 'yung balak mo sa babaeng 'yon nung dinala ko siya dito sa bahay pero naduwag ka lang at hindi mo itinuloy! What now? Si Yuri na ang gumagawa ng paraan para lang makuha niya ang babaeng 'yon. Wala ka talagang kwenta! Argh! Kainis!"

Gigil na gigil na sabi ni Ashley at padabog na itong lumabas mula sa kwarto ni Rafael.

Napailing si Rafael at inunat nito ang leeg niya sabay sipa sa bedside table niya.

Hindi tumutupad si Yuri sa usapan nila. Ang sabi nito ay dapat maging patas sila pagdating kay Eirie pero mukhang hindi sinusunod ni Yuri ang usapan nila. Pwes, kung ganon lang rin naman pala ang gusto ni Yuri ay ganon na rin ang gagawin niya. Gagawin na niya ang lahat ng gusto niyang gawin kay Eirie.

Kaagad nang tumayo si Rafael at nagbihis. Kahit medyo lasing pa siya at masakit ang ulo niya ay kailangan niyang puntahan si Yuri. Hindi pwede ang ginagawa nito.

Nagmaneho siya papunta sa condo unit ni Yuri. Nang makarating na siya doon ay kaagad siyang pumasok sa loob ng building nito at nag-elevator papunta sa floor kung saan nandoon ang unit ng binata. Nang nasa tapat na siya ng condo unit nito ay pinindot niya ang buzzer. Ilang segundo lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Yuri.

Hindi na siya nakapag-pigil pa at kaagad niyang sinuntok ang kaibigan. Napaatras naman si Yuri sa ginawa niya.

"You shit! You're now making your move to Eirie? Ang ganda ng usapan natin tapos bumabantay salakay ka na pala sa kanya?" Sigaw ni Rafael sa kaibigan na tila galit na galit na.

Umiling naman si Yuri sa sinabi niya at tinignan nito si Rafael ng mariin. "Is it my fault kung ang bagal mo? I'm just making my first move and you know what? I think she likes me now." Nakangising sabi ni Yuri na ikinahinto naman ni Rafael.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon