HSD #2

22.5K 659 200
                                    

RAFAEL'S POV

"Yuri, you really smiling? That's a miracle!" Gulat na gulat kong sabi habang nakatingin kay Yuri na nakaupo sa sofa habang naka cross arms ang pareho niyang mga kamay at binti.

Umiling naman siya sa sinabi ko pero hindi pa rin mawawala ang ngiti sa labi niya.

"Moron." Ngumisi lang naman ako sa sinabi niya saka ako lumapit at tumabi sa kanya.

Bibihira lang talagang ngumiti at tumawa itong si Yuri kaya nakakagulat lang na makita ko siyang ganito ngayon. Noong mga bata palang kami nila Zane ay tahimik at malihim na tao na talaga itong kaibigan namin kaya sanay na rin kami sa ugali niya. Masyado rin cold at suplado si Yuri sa ibang tao kaya takot ang ibang taong gustong kausapin o lapitan siya lalo na ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Hindi naman maipagkakaila na gwapo rin si Yuri katulad ko.

Ipinanganak na siyang ganyan kaya anong magagawa namin? Masyado rin siyang malihim pero hindi naman naging hadlang iyon sa pagkakaibigan namin.

"So, what's the reason behind those smiles? Tell me." Nakangising tanong ko.

"Tsk. Nothing." Sabi naman niya pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niya.

"Ano nga? Parang wala naman tayong pinagsamahan, oh? Ilang taon ka rin tumira sa amerika at sobrang namiss ka namin ni Zane kaya magkwento ka naman sa amin." Pangungumbinso ko.

He glared at me and he shook his head. "You've never change, Rafael!" Inis niyang sabi saka nito ininom ang beer na nasa lamesa.

Ngumisi lang naman ako sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

He sighed before he speak. "I-I think na love at first sight na yata ako? I don't know." Nag-aalangan niyang sabi.

Napanganga naman ako sa sinabi niya na halos gulat na gulat. Kung may iniisip man akong hinding-hindi mangyayari kay Yuri ayon ay ang mainlove siya sa isang babae. Halos lahat nga ng mga babaeng nagtangkang lapitan siya ay tinataboy niya lang noong nag-aaral palang kami hanggang sa mag high school kami dahil distraction lang daw sa kanya ang mga babae tapos ngayon ay sasabihin niyang na love at first sight na siya? Hindi ako makapaniwala at kapag nalaman rin ni Zane ito ay alam kong magiging pareho lang ang reaksyon namin.

"Are you really sure? In love ka? At love at first sight pa?" Gulat ko pa rin'g tanong.

Napayuko naman siya at ginulo ang buhok niya. "I can't stop thinking her until now. I bumped her yesterday in the bookstore and I forgot to ask her name. Damnit!"

Shit. In love na nga si Yuri at nakakatawa lang na ni hindi man lang niya alam 'yung pangalan nung babaeng nakabungguan niya.

"That's sucks, bro." Umiiling ko namang sabi.

Tumingin naman siya sa akin ng seryoso. "I will hunt her at kapag nakita ko ulit siya ay sisiguraduhin kong magiging akin siya. I never felt this way before, Rafael. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon. I hate to admit this but I'm already in love with that stranger. Sounds funny, right?" Tumawa siya ng mahina at muli niyang itinuon ang atensyon niya sa pag-inom.

Ngumiti naman ako at inakbayan si Yuri. "Congrats! Ang akala ko ay tatanda ka nang binata pero hindi pala. Okay, kapag nakita mo na ulit ang babaeng tinutukoy mo ay ipakilala mo 'yan kaagad sa amin ni Zane, ah?"

Tumango naman siya bilang sagot.

"Hmm... mukhang malalim 'yang pinag-uusapan niyo, ah?"

Napalingon naman kami sa nagsalita at si Zane ito habang papalapit sa amin habang nakangiti.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon