HSD #11

14.5K 403 27
                                    

EIRIE'S POV

Pagkatapos akong maihatid sa bahay ni Ashley ay kaagad akong napasalampak sa kama at pumikit. Sobrang daming nangyari ngayong araw at ayoko nang maalala pa ang mga nalaman ko. Sobrang sumasakit lang ang ulo ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Rafael, idagdag pang narinig lahat ni Yuri ang pag-uusap namin.

Paano nalang kapag nalaman ni Zane na may gusto sa akin ang kaibigan niya? Paniguradong magkakagulo lang dahil nakita ko na kung paano magselos si Zane at gagawin ko ang lahat para lang huwag siyang bigyan ng rason na magselos.

Kinabukasan ay naramdaman ko nalang na sobrang sakit na pala ng ulo ko at mukhang nilalagnat yata ako. Hindi ako makabangon sa kama dahil sa sobrang pagkahilo ko.

May kumatok sa pintuan ko kaya bumangon ako kahit medyo nahihilo pa rin ako at binuksan ko ito. Bumungad naman sa akin si Kuya Eros na nakatingin nang may pag-aalala.

"Eirie, 11 am na pero hanggang ngayon hindi ka pa rin bumabangon mula dito sa kama mo. Is there anything wrong?" Tanong ni Kuya Eros.

"I-I'm not feeling well today, kuya." Nanghihina kong sabi at napaubo na ako dahil sa kumakati kong lalamunan.

Lumapit naman si kuya sa akin at sinapo nito ang noo ko.

"You have a fever. Humiga ka nga muna." Umiiling niyang sabi at inalalayan ako nito para makahiga.

"Stay here, okay? I will bring some foods and medicine." Tumango nalang ako sa sinabi niya hanggang sa lumabas na siya mula sa kwarto ko.

I sighed.

Pagbalik ni Kuya Eros ay may dala na siyang tray ng isang soup, gamot at isang basong tubig. Nilapag niya ang tray sa bedside table ko.

"Bakit pala late ka nang nakauwi kagabi? Alam mo bang nagpunta si Zane dito at hinahanap ka? Sinabi ko nalang na bumisita ka sa pinsan natin para hindi na siya mag-alala pa sa'yo." Tanong niya.

Napayuko nalang ako. Dahil sa pagsama ko kay Ashley sa bahay nila ay nag-alala pa tuloy sa akin si Zane at nalaman ko pang may gusto sa akin si Rafael and the worst part is narinig pa ni Yuri ang mga sinabi niya!

Hindi ako makasagot sa tanong ni Kuya Eros at nanatili lang akong tahimik. Bumuntong-hininga siya pagkatapos.

"Okay, I won't force you to speak about that but I just want to remind you na nandyan si Zane at boyfriend mo na siya. You need to consider his feelings and be honest with him." Huling sinabi niya bago siya tuluyang umalis sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko na napigilan pa ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ko masabi kay Zane, hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko dahil alam kong masasaktan lang siya sa oras na malaman niya iyon. Sa ngayon ay hindi ko pa siya kayang harapin kaya pinatay ko muna ang phone ko para hindi niya ako macontact.

Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya na ang kaibigan niyang si Rafael ay mahal ako.

"Eirie? Are you okay?"

Hindi ko namalayan na may nakapasok na pala sa loob ng kwarto ko at si Justin iyon. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita dahil sinabi ko na noon sa kanya na kung maaari ay dalangan na niya ang pagpunta dito sa bahay dahil nga sa kinoconsider ko ang nararamdaman ni Zane. Naiintindihan naman niya ako kaya umiwas na siya sa akin pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit nagpunta siya dito.

Pinilit kong bumangon at hinarap si Justin na nakatingin sa akin na may halong pag-aalala.

"I-I'm sick right now." Sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at dali-dali nitong kinuha ang tray mula sa bedside table ko at inilapag sa kama ko. Umupo naman siya sa kama ko at tinitigan ako ng mariin.

His Silent DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon